Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Tuesday, November 6, 2012

J.E.S.T.E.R Series 1: Chapter 10


Tense na tense na siya kanina pa. Ngayon niya kasi ipapakilala bilang boyfriend niya si Jaq sa magulang niya. Gusto sana niyang tumawag muna bago pumunta sa bahay nila pero pinigilan siya ni Jaq. Mas suspence daw pagharap harapang pagpapakilala. Dumaan muna sila sa Goldilocks para bumili nang puto, cake at polvoron mga paboritong makukukot ng magulang niya.

Hindi niya nga maintindihan kung bakit siya ang tense na tense kaysa sa nobyo niya. Nagtataka tuloy siyang tinanong ito. “Aren’t you nervous?”

“Well, A little bit kasi nakilala ko na sila. They really are a very welcoming and happy couple. I know na yung reaksiyon nila ay hindi katulad nung una naming kita pero handa ako. Sooner or later naman kasi ay dadaan din ako sa process na ganito and I really like the feeling.” Sabi nito at binigyan siya ng isang napakagwapo at reassuring smile habang hinawakan nito ang kamay niyang tumigil na sa panginginig.

“I think your just full of yourself na matatanggap ka ng nay at tay.” Sabi niya na nawala na ang pagka-tense na kanikanina ay parang ayaw ng umalis sa kanya.

“Well, that aswell.” Sabi nito at pumawa ng malakas.

“Honey, We arrived.” Inihinto nito ang kotse sa tapat ng palasyo nila. Dahil na rin sa pagiging gentleman nito ay lumabas ito para pagbuksan ang pintuan niya.

“Salamat.” Sabi niya ng makababa na. “Halika na.” Pagkasabi niya ay hinawakan nito ang kanyang kamay at ipinaloob sa kamay nito. Medyo natawa siya kasi eto naman ang parang ninerbiyos ngayon.

“Hala. Ninenerbiyos ka? Akala ko ba ok ka lang.” Sabi niya at pinisil ang kamay na nakahawak sa kanya.

“E kasi malayo pa tayo nun. Ngayon, andito na tayo. It really made me feel nervous.” Pag-amin nito. Ngayon niya lang nakitang ninenerbiyos ang nobyo. Kasi kahit na mahirap i-please ang mga kameeting niya ay very confident parin ito sa sarili.

Tumingkayad siya at inilapit at mga labi sa tenga nito. “Dont worry, Honey. Botong-boto sayo sila nay at tay pati na rin si Chloe.” Sabi nito sa lalake para hindi na ito nerbiyusin.

“Thanks, Hon.” Yun lang at pumasok na sila sa loob. Medyo nagulat pa nga ang mga magulang niya sa pagdating nila.

“O andiyan na pala kayo. Maupo ka na muna Sir James.” Sabi ng Tatay Castro niya na nanonood ng TV Patrol. “Halika at manood tayo nang telebisyon.” Anyaya pa nito sa nobyo niya.

            “Naku, Sir James dapat hindi na kayo nag-abalang bumili ng pasalubong. Inihatid niyo na nga si KC dito e. Nakakahiya na po.” Sabi naman nang nanay niya na nagpupunas nang basang kamay nito. “KC, halika na dito at tulungan mo akong maghanda ng makakain at baka gutom na ang Sir mo.” Tawag sa kanya ng mama niya at akmang tatalikod na ulit.

“Nay. Tay. May sasabihin po sana kami.” Pigil ni KC sa nanay niyang papunta ng kusina. Bigla namang nag-ayos ng upo ang tatay niya at tumingin kay Nanay Kriselda.

“O siya siya. Maupo na muna kayo at mukhang hihimatayin na kayong dalawa diyan. Kriselda kumuha ka ng pitsel ng tubig at baka nakakagulat ang sasabihin ng anak natin sa atin at tayo naman ang himatayin.” Sabi ni Mang Castro na may himig pagbibiro pero hindi mo makikitang nagbibiro ito pagtinitigan mo.

Tumalima ang Nanay niya at kumuha nga ng pitsel. Sila namang dalawa ay umupong magkatabi sa harap ng tatay niya.

“O Eto tubig.” Sabi ng nanay niya at tumabi na rin sa tabi ng tatay niya.

“Good Evening Everyone!!!” Masiglang bati ni Chloe sa kanila.”Nakita ko yung kotse ni Sir Jam-. Ooops. Mukhang wrong timing ako ha. Babalik na lang ako bukas.” Sabi nito at akmang aalis na pero pinigilan ito nang tiyahin.

“Hindi. Dumito ka. May sasabihin itong dalawang ito na mahalaga.” Sabi ng nanay niya.

“Ok po.” Sabi nito at umupo sa pang-isahang upuan.

“Ok naman siguro na kasama ang pamangkin ko sa sasabihin ninyo. Parang tunay na kapatid at anak na ang turing namin dito sa baliw na batang ito.” Sabi nang tatay niya. “So... Ano itong mahalagang sasabihin ninyo sa amin?”

Alam niyang may hinala na ang mga ito sa sasabihin nila. Nakita kasi niya ang reaksiyon ni Chloe ng marinig na may importante silang sasabihin. Excited at di mapakali ito. Si Chloe kasi ay hindi marunong magtago ng nararamdaman.

“Mang Castro. Aling Kriselda...” pag-uumpisa ni James sa sasabihin nito. Ramdam ni KC na lalo itong napressure. Pawisan na kasi ang kamay nitong hawak hawak siya. Pinisil pisil naman niya ito at binigyan ng matamis na ngiti. “Me and Cassandra are officially going out.” Pag-iingles nito. Tumalon-talon na sa tuwa si Chloe pero hindi masyadong naintindihan ng magulang. Grade school lang ang natapos ng nanay niya at si Mang Castro naman ay highschool undergrad.

“Wag mo kaming inglesin masyado iho. Hindi kami nakakaintindi non.” Sabi ng nanay niya. Naguguluhan na kasi ito sa reaksiyon ni Chloe.

“Tita, Sila na daw ni KC. Mag-nobyo na sila. Opisyal na silang mag-on.” Masaya at excited naman na pahayag ni Chloe.

“Ai diyaske. Yun lang pala. Akala ko naman kung ano nang nangyari. Edi dapat mas madami pala tayong handa. Naku, dapat nakapaghanda tayo nang marami. Kayo naman e.” Tarantang sabi ni Aling Kriselda. “Masaya ako para sa inyo. Wag na wag mong paiiyakin ang anak ko kundi hindi ka na makakatapak pa dito sa lugar namin.” Pagbabanta pa nito sa nobyo.

“Nay naman.” Awat nito sa mga susunod pang pagbabanta.

“Sabi ko na nga ba at dito rin matutuloy ang lahat e. O dapat mag-celebrate na pala tayo e. Sakto pala ang mga binili mong matamis.” Sabi nang tatay niya.

“KC tulungan mo na akong maghanda. Ikaw din Chloe.” Sabi ng nanay niya at nagpatiuna na sa kusina.

“I told you right? They love you.” Sabi niya at humalik na sa pisngi ng nobyo. “Sige at tutulong na lang muna ako sa kanila.” Yun lang at iniwan na niya ang dalawang lalake.



“Mag-usap nga tayo.” Sabi ni Mang Castro sa kanya. Tumungo na lang siya at sumunod dito sa labas. Seryoso pa rin ang mukha nito. Hindi naman siya ninenerbiyos sa pag-amin na sila na nga ni Cassandra. Ang ikinani-nerbiyos niya ay ang last part ng aminan.

“Hindi siguro na sasabi sayo ito ni KC.” Panimula nung lalake. “Pero hindi ako ang tunay na ama ni KC.” Hindi alam ni james kung ano ang nakikita niyang emosyon sa mga mata ni Mang Castro. Hindi ito lungkot at lalong hindi ito galit. Medyo nagulat na rin kasi siya sa sinabi ni Mang Castro sa kanya. He never knew that his not her real dad. Kung magturingan kasi ang dalawa ay tunay na magkadugo. Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang magsalitang muli si Mang Castro.

“Nung unang kita ko diyan sa batang yon, ang nakikita ko lang sa mga mata niya, pagdating sa mga lalake ay puot at sobrang wala talaga siyang tiwala sa ating lahi. Nililigawan ko pa lang noon yang si Kriselda at medyo nalilito pa nga ako noon kung bakit galit siya sa mga lalake. Buti na lang talaga at sinabi sa akin ni Kriselda ang mga nangyari sa kanila. Kawawa talaga sila noon.” Sabi ni Mang Castro at umiling pa. Na-curious tuloy si James at halatang halata sa ikukuwento ni Mang Castro.

“Curious ka no?”Medyo natawa si Mang Castro dahil sa reaksiyon ni James. Tumungo tungo si James sa turan ni Mang Castro.

“Nabuntis si Kriselda nung kasintahan nito. Ang akala ni Kriselda ay happy ending na ang lahat. Hindi naman kasi nagmamadaling magpakasal si Kriselda. Patay na kasi ang mga magulang ni Kriselda. Ang magkapamilya ang pinakapangarap ni Kriselda nung mga araw na iyon. Nanganak na siya, lumaki na si KC at lahat lahat pero hindi pa rin nagpapakasal ang dalawa kaya nagtaka na si Kriselda noon at nagsabi na magpakasal na sila dahil kaya na naman nilang buhayin si KC, labandera siya sa isang mayamang tao at ang lalake naman ay nakapagtapos sa pag-aaral at nakakuha ng trabaho sa Makati. Umasim kaagad ang mukha nung lalake nung banggitin ni Kriselda ang tungkol sa kasal. Ilang araw ang nakakalipas, hindi na masyadong nauwi ang binata sa tahanan nila. Hanggang isang araw, naabutan ni Kriselda na nag-eempake ang lalake, nasa eskuwelahan pa noon si KC,  nagkabangayan ang dalawa at nauwi na rin sa paghihiwalay. Umalis sila sa inuupahan dahil na rin sa hindi kaya nang sweldo ng isang labandera ang bayad sa upa. Naging mga palaboy pa nga sila ng ilang buwan at nung nakapag-ipon ipon e nakakuha sila ng kwarto sa isang sirang building na pinauupahan ng pamilya ko. Galit na galit ang bata sa tatay nya dahil sa kadahilanang nasira ang buhay niya, naging pulubi ito at natigil sa pag-aaral. Buti nalang kamo at napakatalino ni KC at na-accelerate pa. Kahit daw papaano ay may naipamana daw ang tatay nito sa kanya, katalinuhan.” Natawa si Mang Castro ng mahina dahil sa sinabi niya sa huli.

Natahimik naman si James at napabuga ng malalim. “Kaya kung may binabalak kang paiyakin ang anak ko ay humanda ka sa amin.” Nagbibirong sabi ni Mang Castro na nakapagpangiti kay James.

“Hindi po mangyayari yun. Mahal na Mahal ko ang anak niyo. Its actually funny though because I never meant to fall inlove. I mean, Ayoko po ng commitment bago ko pa makilala si KC but everything changes and everytime na napapatawa niya ako ay napapamahal na din siya sa akin.” He said smiling happily habang nagrereminisce ito nang unang kita nila.

Pumasok na ang dalawang lalake sa loob at naabutan nila ang mga nagtatawanang mga babae. Lumapit kaagad si James sa kasintahan at kinintalan ng halik sa noo at niyakap ng mahigpit.

Nagtataka sa gesture nung kasintahan ay kumunot ang kilay nito pero nakangiti. “Meron bang problema?” Tanong nito at tumingin sa lalake. Umiling lang ang lalake.

“I just wanted to hug ang kiss you, is it not good?” Sabi nito na may himig pagtatampo.

“Hindi no. Nagulat lang ako. Ikaw talaga, panong hindi magiging good yan e ang sarap ngang mayakap ng mga braso mo.” Sabi naman ni KC sa kasintahan. Ang mga tao sa paligid ay natatawa at kinikilig na pinapanood sila.

“Ala siya. Tama na yang ka-sweet-an niyo at baka langgamin pa kayo. Kumain na tayo at naghihingalo na ang tiyan ni Chloe.” Sabi ni Aling Kriselda na ikinatawa ng lahat.

Natapos ang salu-salo na sobrang saya ng lahat. Lumabas na rin ang pagkakuwela ng nanay niya na pagpasaya pa lalo sa hapagkainan. Nasa labas na ang magkasintahan at nagpapaalam na sa isa’t-isa.

“Well, That went fine, ain’t it?” Sabi ni James na nakayakap ulit sa kasintahan.

“Syempre naman no. Cool kaya ang parents ko.” Sabi niya at humagikhik pa. “E kailan mo naman ako ipapakilala sa mga magulang at brod mo?” Tanong nito pero nakangiti. “Pero kung ayaw mo akong ipakilala ay okay lang sa akin.” Sabi nito na may himig pagtatampo.

“Well, soon honey. Soon.” He said and smirks. “Well, I should get going. By the way, I filed a one week vacation for both of us but we will go there 3 months from now pag natapos natin ang mga trabaho. And again, I won’t take no for an answer.”

“Well, ano pa nga ba ang masasabi ko. I can’t take no for an answer nga diba?” sabi nito at natawa. “Siya siya. Sige na at umalis ka na. Baka mamaya sabihin pa ng mga parents mo na kinukuha ko ang lahat ng time ng anak nila.” Tinulak na niya ng mahina si James papasok sa kotse.

“Wait. I forgot something.” He said and turned around, facing her. Yumuko ito at kinintalan siya nang halik sa labi. Dapat talaga ay mabilis lang ang lahat pero ng gumanti ng halik ang dalaga ay hindi na napigilan ni James na laliman ang halik.”

“Good night.” Nakangiting sabi ni James. Ngayon ay buo na ang araw niya. “...and I love you.” Yun lang at pinaandar na nito ang sasakyan.



Nakatulala pa rin si KC habang nasa tapat ng gate nila. Munting tapik sa balikat ang nagpagising sa nabigla niya atang utak. “Hoy! Tulala ang bruha. Hinahanap ka na ni nay Kriselda at ni Tay Castro.” Natatawang sabi ni Chloe sa pinsan.

“Ehhhh~” yun lang ang nasabi ni KC bago kakamot kamot na nagpahila na sa pinsan habang abot ata ang ngiti nito hanggang langit.


ITUTULOY...

No comments: