Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Saturday, July 7, 2012

J.E.S.T.E.R Series 1: Chapter 9




Miss Isabel, hectic po ang schedule natin. Hindi ko po talaga kayang i-move ang mga sched kasi yun na lang daw po ang mga time na pwede sila,” maririnig mo sa tinig nang assistant niya ang pagmamaka-awa. “Well, you have a photoshoot at 3pm sharp with Mr. Verzosa. Yun po talaga ang pinaka importante. I-try ko pong i-move yung sched niyo nang umaga kinabukasan. Mga interview po iyon tungkol sa pagbalik ninyo sa pinas”

“I’ll be at the photoshoot at three so don’t worry. I just came back to my home town and I’ve got so many works to do. Please cancel all of my schedule except for Mr. Verzosa,” sabi ni Isabel. “I need to visit a very special person today. So ciao!” sabi nito at binitbit ang isa sa mga bago niyang bag. LV Ursula Handbag.

“Wait, Miss Isabel!” sigaw nang assistant niya pero hindi niya ito pinansin bagkus ay dirediretso siya palabas nang Airport. Pinagtitinginan siya nang mga tao. Bakit nga ba naman hindi? She’s tall, skinny and very beautiful. Kahit na walang alam ito sa mga designers clothes and bag. Alam ng mga tao na mamahalin ang damit niya. She’s wearing a Chanel product from head to foot well except for her LV handbag. She’s an attention whore and right now she really loves the attention.

Dumiretso kasi silang airport pagkatapos nang fashion show. She just can’t wait na makauwi sa Pilipinas not that she’s missing her home land but she’s here for someone. Hiwalay na rin kasi sila nang asawa niya at anak niya. She just can’t live her life as a miserable mother. Actually she’s not a mother type.

Lumabas na siya ng airpot gamit ang nirentahan nilang kotse habang nasa pilipinas pa sila. “I’m really looking forward to our meeting, James,” Bulong bulong niya bago niya pinasibad ang sasakyan.


Yes, Sean?” Tanong ni James sa kausap sa personal cellphone niya. Ang mga nakakaalam lang ng number nito ay siya, mga pamilya niya at ang mga ka-brod niya. “Fine, fine, I’ll find you a tagalog tutor,” sabi pa nito. Nasa kalagitnaan kasi sila ang pagsasabi niya nang mga schedule nito sa buong araw ng mag-ring ang cellphone nito. Nagtimpla na lang muna siya ng kape para dito. Inilapag niya ang kape sa harap nito ng dahan-dahan. Napansin ni James ang kape at tumingin sa kanya. Bigla naman nitong hinuli ang kamay niya at pinisil ito ng mahina bago siya nito binigyan ng matamis na ngiti. “Thank you” he mouthed to her.

“Walang problema, James,” Ang sagot niya dito.

“Oo, nga pala pare. I was checking one of the Airports of McConnels and guess who I saw wearing a signature dress and a Loius Vittoun Bag,” sabi ni Sean na nagboses bading kunwari. “No other than Miss Isabel Lim, your ex-girlfriend.”

Hindi alam ni KC kung bakit biglang nawala ang matamis na ngiti ni James at biglang medyo humigpit ang pagkakakapit nito sa kanya. Nagtiim din ang mga bagang nito. “Thanks for letting me know, Sean. I owe you one,” sabi pa nito sa sobrang lamig na tono. Mukhang nakasagap ito ng napaka-samang balita.

“Are you okay, James?” Nag-aalalang tanong niya. Tumingin ito sa kanya ang bumuntong hininga na parang pagod na pagod ito. Binigyan din siya nang walang kabuhay-buhay na ngiti.

“I’m sorry for that,” sabi nito at itinuro ang medyo namumula niyang kamay. “I’m fine sweetie. I just got a very very bad news but don’t worry, I can handle all of it,”

“Well, If you say so Boss,” sabi niya na nakangiti na. Kilala nga naman niya si James. Wala itong hindi nalalagpasang problema.

“Cassandra…” sabi nito sa kanya at tumayo. “I’m really having a hard time deciding about this matter at ni hindi nga ako nakatulog e,” sabi nito na nagpapa-cute ata sa kanya. Ngayon lang kasi niya nakita ang undecided na look nito. “I want you to be my girl—,”

Hindi nito naituloy ang sasabihin dahil biglang bumukas ang pintuan ng opisina nito. Isang napakatanggad na babae at baka magkasing tangkad sila ni James. Sobrang sexy at mukhang sopistikada at dahil mahilig siyang manood sa fashion t.v. ay alam niya kung anu-anong brand ang suot nang babae, lahat mamahalin. Hindi rin naalis ang mga mata nito sa LV na handbag na ito. All-in-all mukha itong mahal.

“What are you doing here?!” dumagundong ang boses ni James sa loob ng opisina nito. “You have no right to walk in my office without any business. Call the security, Cassandra.”

“Oh! Come on, darling,” sabi nang unwanted guest nila. “Don’t you miss your girlfriend? I missed you so much,” sabi nito at lumakad palapit kay James at hinalikan ito sa labi. Sa pagkadisgusto ay mariing pinunasan ni James ang mga labi nito.

“Girlfriend?” bulong niya sa sarili. Napatayo siya at hindi makagalaw dahil nabibigla siya sa nakikita.

“Excuse me Miss Secretary but you can go now,” nakita naman pala siya nito. Tinuring nga lang siyang decorasyon.

“No, Cassandra, you stay here and you can go now my EX-girlfriend. I don’t need you here,” sabi nito na hinila pa siya payakap dito.

“Come on, darling. I’m really sorry for all the things I’ve caused you. Let’s pu everything in the past and move on, just forget and forgive,” sabi pa nito na tumayo na lang sa harap nila. Kung ang tingin ay nakamamatay siguro matagal na siyang patay. Aba’t sobra kung maka-asik ang babae.

“You’re right, you’re my past and I forgotten you already. So miss, I want you to get the hell out of my office. Nakakaistorbo ka sa pinag-uusapan namin ni Cassandra.”

“Tinataboy mo ako dahil lang sa babaeng yan? Isn’t she just a secretary? Don’t tell me James that your standard for girls are low now,” sabi nitong nakataas na ang kilay.

“Actually, you were never welcome here in the first place and no. She isn’t just my secretary and my standards were always high except, I guess, when the time that we were together. This lady is my girlfriend now,” sabi nito na hinapit pa siya sa may baywang. “At kung hindi mo pa masyadong nararamdaman at sobrang kapal pa rin ng mukha mo na mag-stay, sasabihin ko ulit sa iyo ito. Get out! Akala ko lahat ng mga pumupuntang mga tao sa ibang bansa ay nagiging matalino pero mukhang hindi umubra iyon sa iyo. Hindi ka na kasi yata makaintindi nang tagalog o ng Ingles man lang.”

Hindi alam ni KC kung matatawa sa pangmamaliit ni James sa babae o sa mukha ng babae, pulang-pula kasi ito sa pagkapahiya.

“Hindi pa ito ang huli nating pagkikita, James, and I’m not buying what you said na you and that girl are together. I’ll see you later, darling,” sabi nito pagkatapos makuha muli ang composure. “And you little lady be warned,” sabi nito sa kanya bago pa ito lumabas nang opisina.

“Wow!” sabi niya. Ngayon lang nakahinga nang maluwang para silang binagyo ng pumasok si Isabel. “Grabe yung babaeng yun ha. Porke ba matangkad siya kailangan na niya akong tawaging little. Aba wag na wag niya akong mamaliitin, hindi niya alam ang bagsik ko,” sabi niya habang nilalapitan ang pintuan sumilip sa labas. Tsine-check niya lang kung nakalabas na ang bruhilda.

“I’m sorry Cassandra for the mess. She was my ex-girlfriend medyo baliw kasi ako nung kabataan ko,” sabi nito at nakangiti na muli.

“Okay lang yun, James, pero teka nga lang. Bakit mo sinabing magkasintahan na tayo eh ni hindi mo pa nga ako tinatanong,” sabi niya na tinaasan niya ito nang kilay habang ginagaya niya ang pose ni Isabel.

Hindi mapigilang mapatawa si James sa ginawa ni KC pero tumigil din ito at tinitigan siya ng seryoso. “That’s what I was about to ask you when Isabel came in,” sabi nito at walang anu-anong hinapit siya palapit dito.

“Cassandra, honey, will you be my girlfriend?” tanong nito habang inilalapit ang mukha sa kanya. Napangiti naman siya ng maluwang.

“Ikaw kasi  ang bagal mong magtanong akala ko ako na ang manliligaw sayo,” hindi mapapantayan ang kaligayahan niya ngayon. “Yes, James, I want to be your girlfriend,” sabi niya na naging hudyat bago tinawid ni James ang natitirang espasyo sa pagitan nila at siilin siya nang halik.

“Ikaw lang talaga ang nakakapag-pasaya nang araw ko. Tignan mo at kahit na dumating pa ang babaeng iyon ay pinawi mo naman ng matamis mong ‘oo’ ang lahat,” sabi ni James matapos ang halik na iyon.

“Ikaw na ba talaga ang James Cristobal na nakilala ko noon? Bakit para yatang kumu-corny na siya?” tukso niya dito. “…but I like it, wag lang sosobra ha,”

“I can’t wait to tell it to my brods. I’m sure matutuwa sila sa ibabalita ko,” sabi nito at niyakap pa siya ng mahigpit.

“Speaking of sasabihin, kailangan ko rin palang sabihin kila inay but I think there won’t be any problem boto kasi sila sayo. Ewan ko ba kung bakit.”

“Baka kasi gusto ng nanay mo ang magkaroon ng gwapong boyfriend ang anak niya. Aba, san ka pa ba makakakita ng katulad ko?”

Tumawa silang dalawa. “Grabe ang pagkabilib mo sa sarili mo no? Pero kaya nga kita minahal dahil doon e,”

            Biglang may kumatok sa pintuan. “Son, no ones answering the phone outside so—,”
hindi nito natapos ang sasabihin ng makita ang ayos nilang dalawa. “Oh! So that’s why no one’s answering because your secretary is here,” sabi pa nito.

“Ma,” sabi nito ng humiwalay na siya dito. Lumapit ito sa mama nito at hinalikan sa pisngi. “Ma meet my new girlfriend, Cassandra,” Pagpapakilala ulit nito sa mama nito.

Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Nung una kasi nilang kita ay tinarayan siya nang mama nito. Sabi naman noon ni James ay bad mood lang ito dahil sa hindi nito sinipot ang ka-date ni James. “H-hello po, Mrs. Cristobal,” Nauutal pa niyang bati dito.

Ang seryosong mukha ni Mrs. Cristobal ay napalitan ng saya. “I’m happy for both of you. Akala ko ay hindi ko na maririnig ang salitang girlfriend sayo. Ikaw talaga, hijo, you really like surprises,” sabi nito sa anak nito.

“T-tanggap niyo po ako para s-sa anak niyo?” takang tanong ni KC sa mama ni Jaq.

“Oo naman. Hindi naman kami pamilya ng matapobre and hija, call me Tita Mags. I’m sorry the other day ulit medyo badmood kasi ako. Ito kasing boyfriend mo, hindi sinipot ang ka-date niya noon di ko naman alam na dinidiskartehan ka na niya.”

“Naku po, hindi naman po,” sabi niya dito. She’s relieved na tanggap siya ng mama nito.

“Ma, why are you here? Any problem?” nag-aaalalang tanong ni James dito.

“No, son, nabalitaan kong dumating na si Isabel. I’m worried for nothing. andiyan na pala ang girlfriend mo. Sige sige, aalis na ako. May appointment pa ako sa parlor,”

“Actually mom, dumating dito si Isabel but don’t worry. I handled it my way,” he said and smile to her mother.

“That’s good to hear, hijo. I’m so happy at nalagpasan mo ang pagsubok na ito. Well I think I should go,” sabi nito at lumakad papuntang pintuan. “Oh! Before I forgot, when you’re at the office please refrain in lovey-dovey mood. Tignan mo tuloy ang nangyari ngayon. Wala kasing nasagot sa labas. Sige, aalis na ako.”

“I told you, my mom’s a nice lady. You should meet my Dad and Granny. I’m sure they will like you,” sabi pa nito bago siya hinalikan sa mga labi.

“May trabaho pa tayo, James, nakakarami ka na rin,” saway nito sa kasintahan. “Nakakahiya naman sa mama mo at nahuli pa tayo. Lalabas na ako,” sabi niya dito at naglakad na papuntang pintuan.

“Fine, but where’s my see you later kiss?” sabi nito na parang batang naglungkot-lungkutan.

“Para tong bata,” sabi naman niya at lumakad patungo sa kasintahan at kinintalan nang halik sa mga labi nito. “See you later, honey,” At dumiretso na siya palabas.

Narinig niya pa ang pagsasabi nito nang, “See you later too,” na parang matatagalan pa bago sila magkita.


ITUTULOY...

No comments: