“Chloe, saan ko to ilalagay?” sigaw ni KC sa pinsan niya. Tumutulong
kasi siya sa pag-aayos nang mga papeles ng opisina nito. “Alam mo kailangan mo
ng kumuha ng secretary mo, mas mahihirapan ka kung ganito kagulo ang mga files
mo dahil wala na ako para tulungan ka, huwag ka na magkuripot pa. Pinapapunta
mo lang ako para libre na yung secretarya mo sa isang araw at pinapalinis mo sa
akin lahat ng mga files mo,” pagalit ang boses na turan niya sa pinsan. Alam
naman ni Chloe na nagtatatalak siya pero tutulungan niya rin.
Si
Chloe kasi ang breadwinner sa pamilya nila. Pinsang buo niya si Chloe sa mother
side. Ang nanay niya at ang tatay nito ay magkapatid. Nakapagtapos naman si
Chloe nang kolehiyo sa kursong Business Administration kaya nga lang ay associate
lang. Hindi na rin naman binalak ni Chloe ang bumalik pa at ipagpatuloy ang
kurso. Ang sabi kasi nito ay kailangan niya lang matutuhan ang basic nang
papasukin niya. Gusto kasing magtayo nang business si Chloe. Natupad naman ang
pangarap nito na makapag-patayo nang business at ang business na ito ay ang
past time ni Chloe noon; maging kupido. Mahilig kasing mag-match make si Chloe since
mga bata pa sila at alam niyang hindi ito nagkamali sa pagpili ng negosyo.
Dahil din sa negosyong ito ay naipagamot ni Chloe ang nanay nito na may sakit na
tuberculosis.
“Pagpasensiyahan
mo na, sis, naging busy kasi ako nang mga nakaraang lingo kaya hindi ako
nakapaglinis. That’s why I asked fpr your help, ikaw yata ang one of the best
secretary na nakilala ko,” sabi nito na nakasubsob ang ulo at may binabasang
mga papeles. Mga bagong miyembro nang Hearts
Connected Company.
“Siya
sige, lusot na ang excuse mo wag mo lang ako bolahin. Ikaw talaga,” sabi niya
at inilagay na ang mga documents nang mga na-match ni Chloe at hanggang ngayon
ay mag-asawa parin.
“Salamat
talaga, sis, for helping me! Hulog ka talaga ng langit,” sabi pa nito at
nginitiaan siya then tumungo ulit para bumalik na sa trabaho.
“Gusto
mong maiinom?” tanong na lang niya sa pinsan ng matapos ang pag-file at
pag-aayos ng mga dokumento nito. Naaawa din naman siya dito, since umalis siya,
ay wala na itong katuwang sa pagpapalago ng business na silang dalawa ang
nagtayo. Yes, kasama siya sa nagtayo ng negosyo. Pinagmasdan niya ang
nakayukong pinsan at napabuntong hininga, somehow she wanted to ease her cousin’s
tiredness. Hindi naman talaga medaling trabaho ang mag-match nang mga tao, kailangan
mo pang analisahin ang ugali nang isa’t isa.
“Orange
juice na lang, sis, maraming salamat talaga. Pampered talaga ako pag andito ka
kaya nga miss na miss kita dito,” sabi nito na itinaas ulit ang tingin at
binigyan pa siya nag flying kiss.
“Sige
mang-uto ka pa. Magtitimpla na ako. Wag mo na akong i-threaten,” Naglolokong
sabi niya dito.
“Oi!
Hindi kita tine-threaten ha. Nilalambing nga kita e,” na natawa na rin sa biro
niya.
“Asus,
bibili na rin ako nang mamemeryenda. Kanina pa kasi ako nagtratrabaho pero wala
paring nagpapakain sa akin,” Kunwari ay nagpaparinig siya dito.
“Asus
din, namimiss mo lang ang Boss mo e. Sige at ibili mo na rin ako nang ensaymada.
Salamat sa meryenda, sis,” sabi nito na kumaway pa sa kanya.
Tumawa
na lang siya bago kinuha ang bag at lumabas na sa opisina. Na-miss niya ang
ganito. Ang magrelax at makipagkulitan kasama
nang pinsan. Papalabas na siya nang makita niyang pumarada ang isang kotse sa
harap nang HC. Pamilyar ang kotse na iyon at hindi nga siya nagkamali dahil
lumabas si James na nakangiti sa kanya
“Hi,”
Matipid na bati nito bago nagpatiunang buksan ang pintuan para sa kanya.
“P-paano
mo nalamang andito ako?” Hindi niya alam ang iaakto dito. Bumilis na naman kasi
ang tibok nang puso niya.
“Dumalaw
kasi ako sa bahay niyo. Sabi nang parents mo na pumunta ka daw dito sa work
nang pinsan mo. Si Chloe ata ang pangalan.”
Tumungo
siya sa binate at lumingon saglit sa loob ng maliit na kompanya ng pinsan bago
tumingin ulit dito. “Buti at hindi ka naligaw papunta dito.”
“Hindi
naman. Medyo gala naman ako nung bata pa ako,” sabi nito na at ngumiti sa kanya.
Ipinapakita na naman nito ang perfect white teeth nito.
“Well, maghintay ka na lang dito sa loob. Bibili
lang ako nang meryenda para sa mga workers at sa pinsan ko. Saglit lang ako,”
maya-maya ay paalam na niya sa binate at akmang aalis na.
“Ganon
ba? Samahan na lang kita. Baka mabigatan ka sa bibilhin mo e at saka wala akong
kakilala dito baka maka ma-OP ako.”
“If
you insist, tara na,” sabi niya at hinawakan niya ang kamay nito. Nasanay na
kasi siya na tuwing maglalakad ay may kahawak dapat siya. Pero yung kunwaring
date nila, hindi siya ang kumakapit dito. Ito ang nagpapakapit sa kanya sa
kamay nito. Narealize niyang nakahawak na siya sa mga kamay ng binatea. “Oops, sorry!
Nakasanayan ko lang na kapag natawid ako ng kalsada at may kasama ako ay
hinahawakan ko ang kamay nila. Nakalimutan ko na tapos na pala ang pagpa-,“ natigil
siya at napatitig sa kamay niya hinigpitan na kasi ni james ang pagkakahawak sa
kanya.
“It’s
fine and I don’t mind it. Come on,” mabilis na sabi nito bago siya hinila
palabas ng pintuan nang HC. Narating nilang magka-holding hands ang pinaka-malapit
na tindahan. Pinagtitinginan sila ng mga tao. Aba, ikaw ba naman makakita nang
ubod ng gwapong lalake, artistahin at mukhang mayaman dahil sa kutis nito pero
mukhang wala namang pakialam si James dito.
“Manang,
pabili nga po nang 50 piraso na ensaymada,” sabi niya sa tinderang may
pagkamalisyoso kung makatingin sa kanila.
“Sandali
lang, neng,” sabi nito at kumuha na nang ensaymada sa naglalakihang lutuan
nila. “Oh, ayan fresh na fresh yan ha para sa inyong mag-dyowa,” sabi nito na
nakangisi pa. “Napakasuwerte mo namang dalaga ka. Mukhang nakakuha ka nag
mala-prinsepeng boyfriend,” sabi nito habang iniaabot ang tinapay. “Bagay na
bagay kayo.” Pinamulahan si KC sa mga sinasabi nang tindera. Nahihiya siya.
Baka kung ano na kasi ang iniisip ni James dito.
“Ako
nga po ang maswerte kasi nakahanap ako nang anghel dito sa lupa,” sabi na lang
ni James na nagkipagbiruan na rin sa tindera, doon nakuha nito ang atensyon
niya.
“Pasensiya
na James,” bulong na lang niya dito na ginantihan lang nang kindat ni James.
“Magkano
po manang?” tanong ni James sa tinderang sobrang daldal.
“Isang
daan, pogi. Mahal na kasi nang harina,” sabi ni manang kay James.
“That’s
okay, manang. Here, Keep the change,” sabi nito na nagbilabas nag limang daang
piso.
“Naku,
dapat ako na lang ang nagbayad,” sabi niya dito.
“Nope,
I insist. Nagpapa-macho kaya ako sa harap ni manang. Diba manang?” Magiliw na
tanong ni James sa tindera.
“Oi,
diyaskeng babae ito. Oo, nagpapaka-macho ang boyfriend mo. Ang dapat mong sabihin
ay ‘Thank you’ at ‘I love you’,” sabi naman ni manang na tumingin ulit kay
James at nag-approve pa.
“Buti
pa si manang, nakikitang nagpapa-macho ako sayo. So nasaan ang ‘Thank you’ at
‘I love you’ ko?”
“T-thank
you..,” na hindi mapigilang mamula ang mga pisngi dahil nahihiya na siya.
“...at I-i l-love you,” ang huling sinabi niya ay pabulong pero alam niyang
nadinig iyon ni James kasi mas lumapad ang pagkakangisi nito.
“Ahhhh!
That made my day! Salamat manang. Sa susunod ulit,” sabi nito at inakbayan siya
paalis ng tindahan. “Well, anything you
need?”
“Bibili
pa ako nang juice doon,” Turo niya sa hindi kalayuang sari-sari store.
“Well,
then lets go, honey,” sabi nito at masaya silang naglakad. Nabili na at nakarating
na sila sa HC. Nakatalikod si Chloe nang pumasok sila sa loob.
“Sis,
andito na kami,” Bati niya dito na ikinalingon ni Chloe.
“A—,”
Napanganga si Chloe nang makita nito ang kasama niya. Lumapit siya dito para isara
niya ang bibig nito.
“Nakikita
ang tonsils mo, Sis,” sabi niya na napapangiti habang binubulong niya ito sa
pinsan. “James, Meet my one and only cousin, Chloe Braganza, siya ang
nagmamay-ari nitong negosyong ito at siya rin yung pinagbigyan ko nag mga
picture ninyo,” pagpapakilala ni KC sa pinsan niya. “…and sis, si James
Cristobal, ang boss ko. I’m sure na alam na alam mo na siya,” panunudyo pa niya
dito.
“Nice
meeting you, Chloe,” sabi ni James na inilahad ang kamay para makipag-shake
hands kay Chloe.
Tumikhim
si KC para lang maibalik sa mundo ang pag-iisip nito. “Earth calling Chloe,” sabi
niya pa na ikina-tawa nang mga staff ni Chloe at pati na rin si James.
“Ah—
ehhh…,” sabi nito nang manumbalik sa earth ang isip nang pinsan. “…sobrang
sosyal naman nag pangalan ko pag ikaw ang tumatawag sa akin,” nahihiyang banat
ni Chloe dito. “Pasensiya ka na sa reaksiyon ko ha. Ngayon lang kasi ako
nakakita nang Adonis—este ng super gwapong lalaki,” pagpapatawa pa nito. Itinuro
nito ang malapit na upuan.“Upo ka dito, James. Charmaine, kuha ka nga nang mga
baso. Andito na pala ang meryenda nating si James. I mean yung ensaymada pala.”
“Chloe
talaga,” sayaw nito sa kalokohan nang pinsan. “Pagpasensiyahan mo na James ha.
Medyo, alam mo na, may pagka-aning yan. Full moon na naman kasi e,” sabi naman
niya.
“No,
that’s okay it’s entertaining,” sabi nito. Ngayon lang ata niya nakitang hindi
maalis ang ngiti sa labi nito. “So Chloe, you’re doing some match-making it’s a
very interesting business you’ve got here,”
“Interesting
ba kamo? Baka nakakabaliw pero I really like this job, Mr. Cristobal, it’s not
as big as your company pero on the way na ang paglaki.”
“Well,
I bet marami kayong mga member dito. If you like, I can help you get more
members. I’ll tell my staff to try a membership here para sa love life nila,” ganting
biro ni James sa pinsan.
“Naku,
sobrang laking tulong nang suggestion mo. Wait, kukuha lang ako nang calling
card,” pagkasabi noon ay sumibad na si Chloe patakbong opisina nito. Hindi
nagtagal at nakabalik na ulit ito. “Here. I hope matulungan mo nga ako at kapag
maraming members maraming kita. Pwede na rin siguro akong mag-hire nang
secretary ko kapag nagkataon.”
Nagpatuloy
sila sa pakikipagkuwentuhan. Naging sobrang close na nila Chloe at James sa
isa’t isa. Sobrang kwela kasi nang pinsan niya. Pagka-uwi nang mga staff ni
Chloe ay nag-sara na rin sila. Hindi talaga umalis si James sa tabi niya na
ikinadahilan nang laging pang-aasar ni Chloe sa kanila. Ayaw pa kasing umalis
ni James hanggang hindi sila hinahatid na magpinsan.
“Okay
lang naman kami e. Kilala na kami dito so sure na walang gagawa nang masama sa
amin. Tsaka kasama ko naman si Chloe pag-uwi e. Malayo pa naman ang biyahe mo.
Nakakahiya na” sabi niya dito kanina.
“I
insist, Cassandra. I’ll take you and your cousin home,” Eto lang lagi ang isinasagot
nito sa kanya.
“Naku,
sis, ang kulit mo. Ihahatid na nga tayo e,” sabi naman nang pinsan niya dahil
doon ay tumigil na rin siya sa kakapilit na umalis na ito nang mas maaga sa
kanila. Hinatid nga sila sa bahay niya. Tumawag na rin kasi ulit si Chloe sa
mga magulang na matutulog ulit sa bahay nila.
“Well,
I’ll see you at work tomorrow, Cassandra. I gotta go,” sabi ni James at umalis na.
“Confirmed
na, sis. May tama si Prince Charming sayo,” Maya maya ay sabi ni Chloe sa
kanya. “Pa-I insist insist pa siya kanina e.”
“Naku,
nagmamalasakit lang yung tao kung anu-ano na ang iniisip mo. Malisyosa,” sabi
niya sabay talikod sa pinsan. Hindi niya kasi maitago ang ngiti niya kaya
tumalikod na lang siya. Aaminin niya na sobra sobra ang kilig niya sa lalaki
dahil sa gesture nito.
“Naku,
pakipot pa ang lola pero ngingiti-ngiti ngayon,” tukso ni Chloe. Hindi niya
namalayan na nasa harapan na pala niya ang pinsan at nakatingin sa kanya. “Super
kilig ka no? Kung ako ginanyan si Ezekiel, naku, O-oo na ako kahit na wala pa
siyang tanong sa akin. Aba, gaga na lang ako kung pakawalan ko pa no,” sabi
naman ni Chloe sa kanya bago nito binuksan ang pintuan.
“Tita!
Tito! May pasalubong kami ni KC na ensaymada,” sigaw nito. Nakita pa ni KC na
dumiretso ito sa kusina nila na sinundan nang nanay niya. Ang tatay naman niya
ay lumapit sa pintuan at binuksan iyon.
“Kamusta
naman ang dalaw nang manliligaw mo?” tanong nito na nakangiti. “Alam mo anak,
susuportahan ka namin nang mama mo sa kahit anong desisyon mo. Alam ko naman na
laging tama ang mga ginagawa mo. Tandaan mo na pagdating sa pag-ibig…” tumigil
ito at kinuha ang kamay niya. Inilagay nito iyon sa dibdib niya. “…puso ang
masusunod. Marami ka nang nagawa para sa amin. Natanggap mo nga ulit ako bilang
pangalawa mong ama.”
“Tay,
Ikaw na po ang tinuturing kong totoo kong tatay. At maraming salamat po at
napapasaya niyo po ang nanay. Salamat din po sa mga payo niyo, tay.”
“Walang
anuman yon anak. Andito lang ako lagi para tulungan at gabayan ka. Pagkailangan
mo nang reresbak pag may nanakit sayo sabihin mo lang sa akin. Aba, hindi mo ba
alam na black belter ako nang sepak,” biro nang tatay niya. “Joke lang. Masyado
na kasi tayong nag-eemote,” at tumawa ito. “Halika na anak,”yaya nito sa kanya.
Tumungo siya at sumunod na sa tatay.
“Nay!
Dahan dahan,” sabi niya. Tatawa-tawa pa siya. Nagpapaligsahan kasi sina Chloe
at Nay Kriselda sa pagkain nang ensaymada.
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment