Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Wednesday, June 20, 2012

J.E.S.T.E.R Series 1: Chapter 6


Oh, ano na pare? Kayo na ba nung Cassandra mo?” Tanong ni Ezekiel. “Eh kasi naman brod, yung pustahan natin ang tagal ng lumipas mga 2 weeks na siguro, pare,” Dagdag pa nito.



“Oo nga, James. I really thought na mapapasagot mo yun within 2 weeks. She looks like she has an eye into you anyway,” Dagdag na pressure ni Theodore kay James.
“I can’t wait to get a million each on you guys. I wanted to buy the a lot that I saw in Pagudpod without using any of my Father’s money,” sabi naman ni Elliot.

“You think you’re gonna win the bet, Elliot? Remember we’re seperated in two teams here, so the team that wins should share the price,” Hirit naman ni Sean. “And I’m on your team, El and we bet that this guy will make that Cassandra fall for him,”

“Shut up, you guys!” rinding sita niya sa mga kaibigan. “I never agreed to this bet. So, Don’t pressure me because you can’t wait to win. Binubuwag ko muna yung mataas na dipensa ni Cassandra then I’ll make my move,”

“Atta Boy!” Sigaw nang mga JESTER members sa sinabi niya.

“You don’t have to place a bet. Just do what you want and we will enjoy ourselves betting on what will happen to both of you,” Tatawa-tawang sabi ni Sean.

“Thanks guys. You’re a real friend,” sarkastikong sabi ni James na idiniin pa ang salitang real. “Well gotta go. I need to make my secretary fall for me. Within a week, I will get her sweetest ‘YES’” at umalis na sa harap nang ka-brod niya. “Crazy Guys..,” naibulong na lang niya.

Bago pa siya makalabas ay narinig niyang nagsigawan ang mga ito ng, “Oh hell, YEAH!”

“Hello, Margaret? Yes, it’s me James. I want you to deliver flowers to my office. I’ll give you the details,” sabi ni James sa kausap sa telepono.

Tumawa pa si James nang marinig ang sagot sa telepono. “No. No. I won’t use your flowers to make a lady cry again. Its for a special friend,” sabi niya habang papalapit siya sa kotse niya. “Ok. Ok. Please deliver it as fast as you can. Yes, thank you, Marge. You’re really my wee angel,” At tinapos na niya ang kwentuhan sa kaibigan.


Delivery po, Miss Cassandra Valdez? Paki-sign na lang po ito,” sabi nang delivery boy na may hawak na bulaklak. Takang-taka man  ay kinuha na niya ang bulaklak at pinirmahan ang papel.
“Para sa akin?” naitanong pa niya sa delivery boy. “Sure kang hindi ka nagkamali nang pinagdalhan na floor ha?” pagsisiguro pa niya.

“Sigurado pong kay Cassandra Valdez po ang bulaklak. Ang hindi ko lang po sigurado e kung kayo nga si Cassandra Valdez,” sabi pa nang delivery boy.

“Ako nga si Cassandra. Sige kuya, maraming salamat sito sa pagdeliver,” Nakangiti at kumaway pa si KC sa papaalis na delivery man. “Kanino naman kaya ito? Wala naman akong suitors,” Takang tanong niyasa sarili. “Card... Card... I’m sure na may nakalagay na dedication card dito. Nasan na kaya iyon?” pinaikot-ikot pa ni Cassandra ang Boquet nang red roses. “Ayun!” Biniklat niya ito at binasa.

“Cassandra,
Good Mornin!. Just wanting to tell you that Im thankful that your My secretary now. I’ll see you later then.
                                                                                                -James”

“Well, How’d you like the flowers?” Mula sa kung saan ay nakarinig siya ng magandang boses. Napalingon bigla si KC.

“Ay anak ka nang tipaklong!” sigaw niya habang tutop niya ang dibdib. “James naman, gusto mo yata akong mamatay kaagad. Ginugulat mo naman ako e. Paano kung may heart problem ako?” Sabi niya pa dito.

“Well, bising-bisi ka kasi dyan sa binabasa mo e,” sabi nito sa kanya. Ang lapad nang ngiti nito. Lalo yata itong naging gwapo sa paningin niya. Mukha kasi itong kumikislap. “So, do you like it?”

“Sobra, James, pero sana po hindi na kayo nag-abala. Gumastos pa kayo para  lang magpasalamat sa akin, simpleng ‘Thank you’ lang okay na okay na ako,”, pero hindi niya ata mabibitawan at maibibigay itong muli kay James kung bawiin man niya ito.

“Well, I know na kulang ang words para mai-describe how thankful I am, Cassandra. You’re a great help to me,” Lumapit pa ito sa kanya. Hindi nga alam ni Cassandra kung anong gagawin. Masyado kasi itong malapit at amoy na amoy na niya ang pabango nito. Parang nahihipnotismo siya sa amoy na ito. Nakakaadik kumbaga.

Hinawakan ni James ang baba niya at unti-unting tiningala ito. Umalis yata pansamantala ang matinong isip niya at hindi siya nakatutol man lang sa ginagawa ni James. Kung ibang tao siguro ito ay may tadyak at sipa na itong natikman mula sa kanya. Malapit na malapit na ang mukha nila sa isa’t isa. Nagtama na nga ang tungki nang ilong nila nang biglang may nag-ring.

Isang ‘tsk’ ang narinig niya mula dito bago nito binaba ang kamay na nakahawak sa baba niya at sinagot ang telepono. “Yes?” tanong nito na hindi maialis ang mga mata sa kanya. “Mr. Aguirre, Good Morning,” Masiglang sabit nito sa kausap at lumakad na ito papuntang opisina nito.

Hindi alam ni KC na nahugot niya na pala ang hininga sa sobrang kabang naramdaman niya ng muntikan na silang maghalikan ni James. Kinabahan din siya dahil hindi niya alam na ganoon pala siya kahina pagdating sa lalaki. She’s totally defenseless when it comes to him, at doon siya natatakot ng lubusan.

Sus kinakabahan daw, alam mo sa sarili mo na hinintay mong magtagpo ang mga labi niyo. Sabi nang maliit na boses mula sa isip niya. Nanghihinayang ka nga na hindi natuloy e. pang-iinis pa ng isang bahagi ng utak niya sa kanya.

“No, erase erase erase. Magtrabaho ka na nga Kristina!” saway niya sa isip niya bago siya umupo sa upuan niya. Bigla naman nag-ring ang telepono. It was James. Sinagot na kaagad niya ito. “Yes, James?”

“Cassandra, call Margaret’s flower shop and tell Marge na the usual flowers. It’s for Miss Michelle Ventura and make sure to put a note confirming the date tonight. That’s all,” Yun lang at ibinaba na ni Jaq ang telepono. Naiwang nakatanga lang si KC na hawak pa rin ang telepono.

“Thank you flower for me and a date flower for her. Bakit may akmang hahalikan pa ako?” sabi niya sa sarili habang dina-dial niya ang telepono nang Margaret’s Flower shop. “Hello, this is Cassandra from the Office of Mr. James Cristobal of JAC Corporation. Can we get a flo—,” she was cut of ng biglang magsalita ang kausap niya sa kabilang telepono.

“Ahh. so you’re Cassandra? Well I hoped you like the flowers that James picked specially for you. Isn’t he a sweet guy?” sabi nang babaeng sa tingin niya ay nasa edad na trenta-y-sinco pataas. “Tinawagan kasi ako ni James kanina. Ipadala ko daw sa babaeng nag-ngangalang Cassandra ang bulaklak. Niloko ko pa nga e. Sabi ko baka ibigay na naman niya yung flowers sa babaeng papaiyakin niya rin. Aba ang loko, sabi niya hindi daw. Sobrang seryoso pa ang mokong. Those kids sure can be sweet sometimes,” sabi ni Margaret na tumawa pa.

“T-talaga po?” sabi niya na nakangiti na. Paano nga ba naman na di siya ngingiti e pina-bongga na nang nasa telepono ang mood niya.

“O, hija. James is not the type to choose flower for just random girls. The last time I remember him choosing a flower when he was with Isabel. Oh! I think I said  too much, let’s go back to business, dear, what can I get you again?”

“Ahh! Oo nga po pala sabi po ni James na magpadala daw po kayo nang usual na bulaklak para po kay Miss Ventura. Para sa date daw po nila mamayang gabi. Pakilagay din daw po sa note na confirmed ang dinner date nila,”, nasabi niya ito ng ayos pero ang isip niya ay nagtataka at naku-curious tungkol sa babaeng si Isabel.

“Si Michelle ba? Naku naku, ang mama talaga ni James. Ayaw tantanan ang anak sa kaka-reto ng babae, kawawang James. Well sige at sabihin mo kay James na ipapadala ko ang usual na pinapadala niya sa mga babae. Don;t worry Cassandra. I’m sure na seryoso sayo si James. Thank you for ordering here again, and goodluck sa love life. Bye bye,”

“Seryoso talaga siya. Secretarya niya ako e at nasa trabaho kami,” Naibulong na lang niya sa sarili bago binaba ang telepono.


“James, tapos na po yung mga papers na kakailanganin niyo sa presentation niyo mamaya. Na-ayos ko na rin po yung mga files na pinapapayos niyo,” sabi niya nang inaayos na niya yung mga dapat ayusin at ibigay na papeles para sa Boss niya. “Meron pa po ba kayong gustong ipagawa?”

“Yes,” sabi nito na nakangiti sa kanya. “I want you to go and have a break, with me of course. Let’s go,” Utos nito sa kanya.

“Ai! Lunch time na pala. Kaya pala nagagalit na ang sikmura ko,” sabi niya at kinuha na ang bag. “Baka po may magalit sa atin sa paglabas labas natin ha,” Ang tinutukoy niya ay walang iba kundi si Isabel.

“At sino naman ang tinutukoy mo, Cassandra? As far as I know e wala akong girlfriend. Kung si Mama naman ang tinutukoy mo, hindi yun magagalit she even told me to apologize on her behalf dahil sa inasal niya noong isang araw she was really in a bad nung unang nagkita kayo, so you don’t need to worry. Walang sasampal sa iyo, not when you’re with me,”

“Paano po si Miss Ventura? Naku, James, e mukhang makikipag-giyera yun sa mga babaeng mapapalapit sa iyo. Mukhang selosa pa naman yun,” confirmed na Isabel was part of his past.

“Ikaw selosa ka ba?” biglang tanong sa kanya nito.

“Selosa po,” siguro... Hindi pa naman kasi niya alam kung selosa talaga siya e. Hindi pa kasi siya nagkaka-bf.

“I see..,” sabi nito na hinimas himas pa ang baba. “Cassandra... Saan mo ba gustong pumunta for a date? I mean if may manligaw sayo? Saan mo gustong pumunta?”

Nagtataka man ay sinagot na rin niya ang tanong ni James. “Sa Amusement park like Star city or Enchanted kingdom. Kasi nung bata pa ako hindi ko naranasang makapunta sa mga ganon. Mahirap kasi kami atsaka walang oras si Nay,” sabi naman niya dito.

Natawa si James sa sinabi niya. “I didn’t know you have a cute side in you. I thought you were so mature but I like your cute side too,”

“Sobrang mature ba talaga ang tingin mo sa akin, James? Grabe ka ha, kengkoy kaya ako at immature daw ako yun ang sabi ni Nanay,” Depensa niya pero nahawa na rin sa tawa ni James. “Pero alam niyo okay lang naman ako kahit saan basta alam ko na nag-effort siya para mapasaya lang ako. Alam mo yung, andami niyang ginawa para lang mapasaya niya ako. Yun na yun,”

Tumungu-tungo na lang ito at ngumiti sa kanya. Hindi naman nagtagal at nakarating na sila sa lugar kung saan gusto kumain ni James.


Sabado pero nagising nang maaga si KC.  Nasanay na kasi siyang nagigising nang maaga kahit na off na niya. Nag inat-inat si KC habang nasa harap nang bintana. Napamulagat na lang siya nang makita niya ang sasakyan ni James sa harap nang bahay nila. Tumakbo siya pababa sa sala nila.

“Na-!” tatawagin sana niya ang nanay niya pero natigil siya nasa sala ang nanay at tatay niya na kausap si James at nakuha niya ang atensyon ng lahat. Namula ang pisngi niya habang nahihiya ring kumaway sa tatlo. “G-good Morning, S-sir James,” sabi niya lang at tumakbo pataas. Dumiretso siya sa kwarto niya at humarap sa salamin. “Waaa! Nakakahiya! Nakita niya ako sa ganitong itsura!” sabi niya habang kinakagat kagat ang unan niya. Nahihiya kasi siya nang sobra. Suot niya yung hanging blouse niya na pink at medyo off shoulder rin ito. Magulo ang buhok niya at naka-yellow na short shorts siya. Gusto niya kasing presko siya habang natutulog. Napabuntong hininga na lang siya at nagsimulang ayusin ang sarili. Nag-toothbrush na rin siya just in case na mabaho ang hininga niya and then bumaba na siya.

“Mabuti naman at bumaba ka na ulit,” sabi ng ina niya sa kanya at ngumiti.

“Sir, pasensiya na sa nakita niyo kanina ha. Nagulat kasi ako sa nakita ko sa labas kaya napahangos ako papunta dito nang hindi nag-aayos. Ano po ang problema, Sir?” tanong niya dito. Ang nanay niya ay naghahanda na nang-almusal habang ang tatay niya ang nakikipagkwentuhan sa boss niya.

“Oh, there’s no problem at work, Cassandra, and why are you calling me Sir again? Buti at wala tayo sa trabaho kundi, I’ll deduct your salary. Pumunta ako dito para masundo kita. Naipagpaalam na rin kita kila Aling Kriselda at Manong Castro,”

“Oo, anak, ipinag-paalam ka na nitong Boss mo. May pupuntahan daw kayong importante. Ang aga kasing napasugod nang Boss mo at ayun hindi pa pala nag-aalmusal. Naghahanda na si Krissing nang almusal,” sabi naman nang tatay niya. “Maligo ka na muna anak. Para pagkatapos mo e kain na rin tayo nang almusal,”

“S-sige po, tay. James, maliligo lang po ako saglit, relax lang kayo diyan,” sabi niya at tumakbo na siya pataas. Mukhang siya dapat ang mag-relax dahil kung saan man siya dalhin ni James, nae-excite pa rin siya.


ITUTULOY...

No comments: