Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Tuesday, June 19, 2012

J.E.S.T.E.R Series 1: Chapter 4


Maagang nagising at pumasok sa opisina si KC. Maganda rin ang gising niya dahil sa mga nangyari kagabi. Sino ba naman ang hindi gaganda ang gising kung ang napanaginipan mo ay ang boss na love mo? “Good Morning Sir James.” Masayang bati niya nang makita niya ang napanaginipan niya kagabi lang.

“Good Morning to you too, Cassandra. I bet you had a nice dream thats why your happy today.” Sabi nito na ginantihan siya nang ngiti. “Oh! By the way. Drop the Sir, Cassandra.” Yun lang at pumasok na ito sa opisina.

“Y-yes J-james.” Sabi ni KC bago pa nito maisara ang pintuan. Dali-dali naman siyang sumunod dito para ipag-timpla ito ng kape. Kailangan na rin kasi nitong malaman ang mga meeting nito ngayong araw.

Pagkapasok ni KC sa opisina ni Jaq ay nakaupo na kaagad ito at inuumpisahan na ang mga dapat nitong pirmahan. “Here's your Cafe Macchiatto, Si- este James.” Sabi niya na kulang na lang ay batukan niya ang sarili. Hindi pa rin kasi siya sanay na tawagin ang boss niya sa pangalan nito. Nahihiya parin kasi siya.

“Just put it on the table, Cassandra.” sabi nito na hindi man lang siya tinapunan nang tingin. “Recite my appointment for today, Cassandra.” Utos nito. Kinuha na ang kape nito at hinigop. Alam ni KC na iyon ang paborito nitong kape. Thanks sa mga itinuro ni Ate Nikki.

She cleared her throat and said, “Well James, You have a meeting at 10am in Dusit Hotel with Mr. Aguirre about the construction of another branch of Italian Restaurant. You have a date with Ms. Sanchez at 12pm. Your Mom specially told me to book this in your appointment.”

“Cancel that. Tell Ms. Sanchez some excuse. I want my 12pm free.” Sabi nito na sumulyap sa kanya.

“Yes, James.” Sabi niya at nilagyan nang ‘cancelled’ ang 12pm ni James. Medyo natuwa siya dahil sa pagtanggi na naman ni James sa Mama nito at sa mga nirereto dito. Ilang linggo palang siya dito pero halos naka-beinte na ang Mama nito sa kaka-reto dito. Kung ako siguro ang anak ng mama nito ay makukulitan na rin ako. “You’ve got a board meeting at 1:30pm, Sir. Its about the opening of the Italian Restaurant. At 4pm James, you have a press conference with the JESTER member by Ms. Sandoval. At 6pm, Tumawag po si Mr. Cristobal at sinasabing lumuwas daw po ang lola niyo at gustong mag-dinner sa inyo. Any other cancellation Sir James?” tanong niya dito.

“Yes. Cancel the 4pm Press Conference. Call Eze, tell him that I'm willing to make an interview if they can make Randolph participate. No offense to Ms. Sandoval, but if she can't make Randolph participate, then she's not good enough to get all the interview of JESTER.” At tumawa ito. Alam kasi niya, well based na rin sa pag-uusap nila nang nakaraang gabi, na ayaw nito sa crowd at lalong ayaw nitong ma-expose ang mukha nito sa kahit anong diyaryo or magazine.

“Masusunod po Sir James. I'll go ahead na po.” Sabi niya at tumalikod na siya. Ayaw na niyang makaabala pa sa boss niyang super busy lagi.


"Cassandra..." tumigil siya sa paglabas ng opisina at lumingon ulit sa boss niya. "Drop the Sir. If I ever heard you calling me Sir again. I'll deduct it to your salary. That's all, you can go." Yun lang at nagpakabusy na ulit ang boss niya at iniwan siyang natitigilan. So wala na pala siyang kawala sa pagtawag dito sa pangalan nito.



Hindi na namalayan ni KC na lumipas na pala ang mga oras. 12pm na pala. Lunch time. Tumayo na siya at iniayos ang mga papeles na dapat niyang ayusin at i-file para sa boss niya. Lumakad na siya papuntang elevator nang bigla itong bumukas.

“Oh, perfect timing!” sabi ni James nang bumukas ang elevator nasa loob na pala ito at susunduin siya. “Lets have lunch together.” Sabi nito at hinila siya papasok sa private elevator nito. Dahil sa pagkabigla ay nawalan siya nang balanse at muntikan na siyang madapa buti na lang at nasalo kaagad siya ni James. “Gotcha!” Ang sabi nito. Medyo nagulat din ito. “Sorry at hinila kita. Medyo natuwa kasi ako na naabutan pa kita. I really cancelled that date because I wanted to spend time with my new secretary.” At ngumiti pa ito sa kanya habang inaalalayan siyang makatayo nang mabuti.

“Baka naman magalit ang Mama niyo James. Kinansela niyo na naman ang date niyo.” Sabi niya pero deep inside she’s really happy.

“No, its fine. I already called my mom before I came to the office. Well, lets drop that subject. Nakakain ka na ba sa isa sa mga restauran ng Kompanya? If not then I'll take you to the one that earns a lot. Good thing it's near here.”

“Hindi pa nga po e. Pang mayayaman lang naman ang mga restaurant, James.” At tumawa ito. Hindi sila mahirap, hindi rin naman sila mayaman pero kahit na sa gitna sila ay masaya parin siya.

“Well then. Lets go to Mi Fabuloso Restaurant. I'm sure you’ll enjoy it if you like pastas.” Sabi nito at tumuluy-tuloy na sila sa parking lot at sumakay na sa sasakyan.



Hindi nagtagal at dumating sila sa Mi Fabuloso. Nahalata niyang medyo nagulat ang mga staff sa pagdating ng boss nila pero hindi ito naging hadlang para hindi nila magawa ang mga trabaho nila. May lumapit na lalaking naka-suit din. Ang sapantaha ni KC ay ito ang Manager nang naturang branch. Pinaupo sila sa pinaka magandang lugar sa restaurant. Isa itong suite room, may sariling bar doon. Meron ring glass door patungong garden ng Restaurant. Cream ang kulay ng tiles nito na tinernuhan ng cream na kulay ng dingding. Ang kulay naman ng upuan ang bumuhay sa malamlam na kulay ng kuwarto. Glass ang lamesa nito na nilagyan nila ng fresh na bulaklak. May mini lounge rin at isang 42 inch na flat screen tv. Napaka-ganda ng suite.

            “Wow!” Hindi maiwasang sambit ni KC. “Sobrang ganda naman dito. No wonder sobrang kilala ito kaysa sa mga katabing restaurant.”

“Actually si Elliot ang nag-design at nagtayo nitong restaurant na ito. Eto na rin ang last na project niya bago siya naupo bilang taga-halili sa puwesto ng tatay niya. He really deserve to be the President, isn't it?” sabi nito na hindi maitago ang paghanga sa kagalingan ng kaibigan nito.

“Yup. He really deserved it and I know na yung tatay niya ay sobrang proud sa kanya.” At ngumiti siya dito. “Thank you Boss ha.”

“For what? For the lunch? It's fine after all, I'm hungry as well at saka boring kumain mag-isa.” Sabi nito at inilagay ang kamay sa likod niya at lumakad na sila papuntang lamesa.

“Well, I thank you for this upcoming lunch too pero para sa lahat iyon. Like nung tinarayan na nga kita pero binigyan mo ako nang trabaho and secretary mo pa ha. Nakilala ko pa ang mga kaibigan mo at napasaya mo ang pinsan ko ng di mo sinasadya. Natulungan ko pa ang mga magulang ko dahil malaki ang sweldong makukuha ko dito sa trabahong ito. Maraming salamat talaga sayo at wag kang mag-alala dahil gagalingan ko sa trabaho. Promise yan. James.” Sabi niya at umupo na sa harap. Hindi nagtagal at binigyan na din sila nang menu nang Manager ng hotel.

“No, you don't need to thank me. You deserve this position. You're intelligent and yung sinasabi mong tinarayan mo ako, I’m actually the first one na nag-suplado sayo, remember? Kaya mo nga ako sinapatos e.” At tumawa ito nang malakas. Napansin niyang lumapit na sa kanila ulit ang manager at nagbigay ng wine menu sa kanilang dalawa. Tinignan niya ito pero nalula siya sa mga presyo nun at inilapag na ang menu.

“What would you like to order for drinks, Ma'am? Sir?” sabi nang Manager sa kanila.

“Tubig na lang.” Sabi niya dito.

“Well, Give me a a bottle of your house red and give us two glasses as well, for me and this beautiful lady.” Sabi nito at sinulyapan siya. Tumungo ang Manager at umalis na.

“Wait, now that I think about it baka nagpasundo ka sa boyfriend mo para kayong dalawa ang maglunch.”

“No dont worry. Wala naman akong boyfriend e. Wala pang nabubulag.”

“Seriously?! You don't have any? You’re stunningly beautiful, Cassandra.How come you don't have one? And I'm so sure that you have plenty of suitors. Pihikan ka lang yata e.”

“No, how should I explain? Actually hindi ko kasi priority ang pagbo-boyfriend na yan e. Dati kasi priority ko lang ang pag-aaral. Tsaka gusto ko munang makaranas mang masaganang buhay ang mga magulang ko. AndJames, don't compliment me too much baka lumaki ulo ko niyan e.” Sabi niya na ikinatawa ni James. Hindi katagalan ay dumating na ang inuming in-order nila. Umorder na rin sila nang specials ng restaurant at nagsalo sila sa masarap na tanghalian.



Nag-enjoy ako sa lunch natin, James. Salamat ulit ha.” Sabi niya habang nakasakay na sila nang private elevator niya. “Busog na busog ako dun sa spaghetti na kinain ko. Baka lumobo ako nito.” At hinimas pa niya ang tiyan niya.

“Well, I don't think you’ll get fat. You look like you're a sporty kind of woman.” Sabi nito na tinignan siya sa mukha pababa.

“Asus, James, sabihin mo na lang kasi na ma-muscle akong babae.” Biro niya dito. Bumukas na ang elevator sa floor nila. Lumabas silang tumatawa dito pero natigil ito nang makita niya ang Mama ni Sir James at isang matangkad at sexy na babae sa tabi nito. Bigla tuloy pumormal si James.

“Hi, ma! Never expect to see you here today. Napadalaw po kayo?” Sabi nito na hinalikan ang pisngi ng mama nito. Hindi sumagot ang nanay ni James at imbes ay tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.

“Is she your new secretary?” sabi pa nito na nakataas pa ang kilay. Halata niya ang disgusto nito sa kanya.

“Yes, ma, she’s Cassandra Valdez. She’s my very intelligent and very capable secretary. Na-train na rin siya ni Mrs. Santos before she left so everything's under control.” Sabi nito at tinignan siya nito at inilahad nito ang palad nito. “Cassandra, She’s my very beautiful mom.” Pakilala nito sa nanay.

“Nice to meet you, Mrs. Cristobal.” Sabi niya at inilahad niya ang palad para sana sa shakehands pero hindi nito iyon tinanggap.

“Oh by the way, hijo, meet my kumare’s daughter. You know Mrs. Ventura’s daughter that I'm telling you? She’s Michelle. Michelle meet my only son, James.” Sabi nito na ang ngiti ay umaabot ata hanggang sa tenga nito. Eto na naman ito sa pagrereto nito.

“Hi Michelle. Nice to meet you.” formal na pagbati ni James sa babae.

“No, James, I'm the one who should say that. I am very pleased to meet you. Your mom told me lot of things about you.” Sabi nito na lumapit pa kay James para halikan ito sa pisngi. Nakita niyang dumikit ang lipstick nito sa pisngi ni James. Sobra kasi ang pagkakalagay nang lipstick nito.

“Oh! Well I hope all of it are good ones. By the way Mom, I am very busy right now and lunch time is over. Don't worry, mom, I'll be home at six and have dinner with you, dad and grandma." sabi nito sa ina bago tumingin at kausapin si Michelle. "And Michelle, I hope I'm not being rude but I really need to do some paper works.” Halatang gustung-gusto na nitong paalisin ang  bwisita-este bisita pala nito.

“Okay, hijo, just make sure to be on time. Alam mo naman si Mama magtatampo yun kapag na-late ka sa dinner.” Sabi nito at niyakap na ang anak. “Let's go Michelle.” At lumakad na ang dalawa. Nilagpasan lang siya nang mga ito na para bang hindi siya nag-eexist.

“Well James. I'll just get your phone number sa Mama mo and I really hope we will see each other soon.” Sabi pa ni Michelle bago ito sumunod sa mama ni James.

Pagkasarang pagkasara nang pintuan nang elevator ay bumuntong-hininga si James. "Im sorry for my mom. She can be really rude when she wants too be but she’s a really nice lady, I assure you. Makulit nga lang ito kasi hindi pa rin ito tumitigil sa kakareto.” Sabi nito at naupo sa malapit na upuan.

“Okay lang yun James, baka nasa badmood lang ang Mama mo. Ikaw kasi e tinanggihan mo yung ka-date mo tapos nakita pa tayong magkasabay na dumating.” Lumakad siya malapit dito at naglabas nang tissue. Para kasing masakit sa mga mata niya ang lipstick na dumikit sa mga pisngi nito. “May lipstick ka sa pisngi.” Sabi niya at pinunasan niya ang pisngi nito. “Sa tingin ko naubos na niya ang isang stick nang lipstick dahil sa kapal nang make up niya.” Nagbibiro na naman sabi niya.

“Thanks. I didnt know that there's a lipstick on my cheeks.” Sabi nito na tatawa tawa dahil sa biro niya. Tumayo na ito at inayos ang suit nito. “Buti na lang at nandito ka. Na-drain kasi ni mama ang energy ko e, buti na lang at na-charge ako sa ngiti mo.” At ngumiti ito sa kanya.

“Ai, sir. May pagka-korny din pala kayo e ano?” sabi niya na hindi mapigilan ang pagkantiyaw dito. “Gawin daw ba akong charger.”

Tumawa ito nang malakas. “Well, its true. For some reason, nagiging korni ako pagdating sa iyo. At it's true too that ikaw ang charger ko. Arrgh! Korni nga.” At tumawa na naman ito. “Siya sige. Magtrabaho na ulit tayo.”

“Yes Boss!” sabi naman ni KC na sumaludo pa. “Ihahanda ko na po yung mga gagamitin niyo para sa meeting.”

“Very good. You're really something, Cassandra.” Sabi nito bago pa pumasok sa opisina ito.

“Siyempre. Nagpapa-impress ako sayo e.” Bubulong-bulong na sabi ni KC bago siya pumunta sa desk niya.


ITUTULOY...

No comments: