Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Tuesday, June 19, 2012

J.E.S.T.E.R Series 1: Chapter 3


Walang pagtutol na namutaw sa labi ni KC at kinuha niya ang nakalahad na kamay ng Boss niya. Hindi pa rin talaga siya makapaniwalang sinasayaw na siya ng ultimate crush niya. Sige na, sige na. Crush ko pa rin talaga siya kahit na ang panget nang unang pag-uusap namin. Amin ni KC sa sarili.

“Isn’t it funny how the two of us first met?” Natatawa pang sabi ni James, nakikita ni KC sa mga mata ng boss ang pagka-aliw sa mga naaalala. “Oh, anyways, I forgot to say sorry to you. I was very rude that time. Its just that—hmmm, never mind that. Lets just forget everything and become friends, after all we're gonna work together starting tomorrow.”

“I think thats a good idea Sir, este, James pala.” At napabungisngis siya. Hindi lang nito tinupad ang mga pangarap niya, hinigitan pa nito iyon. Aba, ang pangarap lang talaga ni KC ay ang makausap ito at matitigan ng matagal sa personal. Hindi niya pinangarap ang maging kaibigan at boss pa ito. Mali pala ang impresyon niya sa lalake nang una at napatunayan niya na hindi pala lahat ng ‘First Impression Last’.

“Sa totoo lang Sir, err- James pala, ang akala ko talaga sa inyo ay walang modo at sobrang sungit na tao. Pero James, nag-iba na ang pananaw ko sa iyo ngayon ay alam ko na na mabait ka pala. Ang ikinapagtataka ko lang, James, bakit ka nga ba binigyan ng ‘ICE PRINCE’ na palayaw?” curious na tanong niya at tinignan niya ito sa abuhin-asul na mata nito.

“Sa totoo lang, I dont like reporters or any media people. I dont even like a ‘fan’ kasi hindi naman ako artista. Isa akong negosyante. So, If I dont like people I give them a cold shoulder o kaya naman ay bad mood ako noon kaya ko sila nasusupladuhan like what happened between us. I mean, I was in a really foul mood that time.” Yumuko ito at bumulong sa kanya. Malakas kasi ang musika sa loob ng hall.

Biglang bumilis ang puso ni KC. Akala kasi nito ay hahalikan na siya nito. Ilusyonada masyado ang puso ko ha. Pero alam ni KC, sa puso niya, na inasam niyang magkahalikan silang dalawa. Hindi namalayan ni KC na tapos na pala ang tugtog kung hindi lang siya tinawag muli ni James ay maiiwan siya sa dance floor.

“Come here, Honey.” Tawag sa kanya ni James. Aba at may pa-honey honey pa ang mokong ha. Hindi maiaalis ni KC ang tuwa sa kanyang puso. “I’d like you to meet my brods, or you can say my bestfriends.” At dinala na siya ni Jaq sa miyembro ng JESTER Club. “Guys, meet Cassandra. Cassandra, meet them.”

“So this is your new secretary.” Sabi ni Ezekiel. Alam na ni KC ang mga pangalan ng miyembro ng JESTER Club dahil na rin sa pagka-obsessed nilang mag pinsan sa mga miyembro nito. “I'm Ezekiel and it's so nice to meet you Cassy. Well, Cassy na pala ang palayaw mo sa akin para unique at close.” Sabi nito na tatawa-tawa pa.

“Seriously, Eze. Stop, harassing the lady.” Sabi naman nang isa pang miyembro na si Sean. “Anyway I'm Sean, pardon Ezekiel for behaving like that and please don't mind my accent.” At ngumiti ito sa kanya. Lahat ng mga miyembro ay nagpakilala sa kanya isa-isa. Hindi na lang niya sinabi na kilala na niya silang lahat sa mukha at pangalan.

Hindi niya mapigilan ang mag-text sa pinsan niya. Excited kasi siyang sabihin dito na nakita na niya ang super crush nitong si Ezekiel. “Uhmm. If you dont mind, Pwedeng magpa-picture.” Hiyang hiyang tanong ni KC pero para ito sa ikaliligaya ng pinsan niya kahit pa nga ba para siyang isang fan girl na isa sa kinaaayawan pa naman ni James. Sana lang ay hindi magbago ang tingin at turing ng mga ito sa kanya ngayong umaasal siyang parang isang fan sa paboritong artista. “For remembrance lang sana. Alam kong sobrang kapal na talaga ng mukha ko at kukuha pa ako ng pictures nyo pe—“ hindi na niya natapos ang sasabihin niya kasi ay nahila na siya ni James.

“That's okay, I'm sure na lahat sila ay join sa ganyan and everyone won't mind it, right guys? At basta ba kasama ka din namin, diba?” sabi nito na tumingin pa sa mga ka-brod niya.

“Yup, Hindi ka kasi mukhang photographer, you look more like our muse.” Sabi ni Theodore at humila na ito ng isa sa mga waiter sa loob ng hall para kumuha ng litrato nila. Pumwesto na sila sa gilid niya at feel na feel niya talaga na siya nga ang muse ng mga nag-gwagwapuhang mga lalaking ito.

“Naku, sobrang Thank you talaga sa inyong lahat. Pinasaya niyo talaga ang gabi kong ito. Ahh, sige balik na muna ako kay Ate Nikki. Maraming salamat ulit” at kumaway pa siya bago lumayo sa grupo ng mga kalalakihan. “Ate Nikki!” tawag nito sa babae.

“Day! Ang swerte mo talaga. Pinalibutan ka ng mga kaibigan ni sir.” Sabi nito ang ganda ng ngiti. “Lahat ng nakakausap ko sobra ang pagkaselos sa iyo. Tignan mo sila.” At iniharap siya sa parte kung saan nakatayo  ang mga lalaking kani-kanina ay kausap niya at kabiruan.

They were Gods. Tall, very handsome in different ways and of course, very rich. She’s sure that all of them were campus hearthrobs. Well kahit hindi na sila mga college students ay sila parin ang Top Bachelors sa Pilipinas.Sobrang swerte nang mga babaeng mapapang-asawa nang mga ito. Mababait din kasi at kwela ang mga ito. Hindi rin pinaramdam ng mga ito na isa lang siyang ordinaryong babae at ang mga ito ay mga anak mayaman.

“Diba? Napakagandang tanawin nila? Kung dalaga lang ako at available pa ay gagawin ko ang lahat mapunta or makalapit lang ako sa grupong yan.” At tumawa pa na akala mo ay nakainom at lasing na. “Ay nakalimutan ko, lagi na pala ako nakakalapit sa mga yan. Kababait na mga bata nila at in fairness, alam kong type ka ni Boss James! Bagay kayo, day!”

“Ano ka ba naman Ate Nikki kung anu-ano na ang pinagsasabi mo. Para kang lasing kung makapagsalita e orange juice lang naman ang iniinom mo.” natatawang turan niya sa nakatatandang babae. Bumungisngi lang ito at kinindatan siya.


"Maniwala ka sa akin, day. Sure akong type ka ni Sir."



Nag-aantay na nang masasakyan si KC nang may humintong sasakyan sa harap niya. Kilala niya kung kaninong sasakyan ito. Ito kasi ang sasakyan na nakita at muntik na siyang masagasaan sa unang pagtuntong palang niya sa JAC Corporation, ang nagmamay-ari ng sasakyang iyon ay walang iba kundi si James. Biglang bumukas ang bintana nito at ipinakita ang nakangiting si James. 


             “Hop in, Cassandra. I will drop you infront of your house.” May driver kasi ito kaya naman okay lang sa lalaki na uminom kanina.

“Naku Sir James nakakahiya naman po. Baka po magkaiba ang way natin e.” Sabi niya na hindi nagalaw sa kinatatayuan niya.

“I insist. Look, ikaw na lang ang nag-iisa dito and I dont want to make you wait here until, God knows when, at saka, delikado na ngayon lalo na at dis-oras na ng gabi. Baka kung mapaano ka pa.” At binuksan na nang tuluyan ang pinto ng sasakyan. “Sige ka kung di ka pa sumakay dito bubuhatin kita papasok ng sasakyan.”

“Sige na nga.” Sabi niya at lumakad na papuntang sasakyan.

“Good.  Saan nga pala banda ang lugar niyo?” tanong nito nang makalabas na sila sa Crowne Plaza Hotel. Medyo malayo nga ang lalakbayin niya. Taga-Pansol kasi siya, malapit sa Katipunan avenue. Kung ibababa siya ni Sir James sa Katipunan avenue ay madali na siyang makakapunta sa bahay nila. Blessing in disguise din si James sa kanya.

“Sa Katipunan Ave. niyo nalang ako ibaba Sir. Baka po mas lumayo kayo.” Sabi na lang niya sa boss niya. Hiyang hiya na rin kasi siya dito.

“Well, why don't you just tell me where your place at, afterall it's in my way din naman. Sa Loyola Grand Villas lang din naman ako. So I'll drop you by and Cassandra, I don't take 'no' for an answer.” Sabi nito na sumulyap ulit sa kanya.

“Sa... Sa Pansol po ako nakatira.” At tumingin na siya sa labas ng bintana dahil naiilang siya sa pasulyap-sulyap ng boss niya. Nakakapagod din pala ang magsaya nang masyado, na-drain ang energy niya. Wala na rin naman kasi siyang masabi dito at nahihiya na din kasi siya.



Nakarating na sila sa bahay ng dalaga. Hindi namalayan ni James na nakatulog na rin pala siya. Cassandra was leaning on his shoulder while he was leaning on her head, like couples do. Napangiti siya, somehow, it felt really nice to woke up together with her, kahit na nga ba sa kotse lang silang dalawa at may third party pa. Ang driver niyang si Mang Kanor.


            "Sir, buti po at nagising na kayo. Andito na po tayo," bulong ng matandang lalaki sa kanya dahil nakita nitong nahihimbing pa ang dalaga.

“Yes. Thanks, Mang Kanor. Pasensya na po at tinulugan namin kayo. Medyo nakainom na rin po kasi ako." Hinging paumanhin niya kay Mang Kanor. Umiling-iling lang ang matandang lalaki at tumingin na sa harapan ng sasakyan.
"Sir, mabuti pa at gisingin niyo na si Ma'am at ng makapagpahinga na ng ayos sa loob ng bahay nila." Yun lang at akmang gigisingin na ni James ang dalaga ngunit hindi na niya naituloy ang pag-gising dahil nakita niyang nahihimmbing pa rin sa balikat niya ang dalaga.


I’ll make sure this girl will fall inlove with me. Wala pang babae ang hindi naloloko sa akin. Matatag na sabi niya sa sarili. Pinagmasdan mabuti ni James ang babae. Mas maamo ito pagnatulog. Mahahaba ang pilik-mata nang babae at matangos ang ilong nito. Kung hindi niya lang kilala ito ay siguradong mapagkakamalan niya ngang artista ito. Kamukhang kamukha kasi nito si KC Conception.

Napabuntong hininga na lang siya at niyugyog ng mahina si KC sa balikat, “Wake up, sleepy head. I’ll kiss you if you don't open your eyes.” Of course he was joking but then again, those lips were inviting at lalaki lang siya. May pagka-pilyo rin pala siya. Hindi naman kasi niya ito ginawa sa mga past girls na nali-link sa kanya. Sila ang hindi magkandaugaga sa pagpapasikat sa kanya.

Dahil hindi pa rin nagmumulat ng mga mata si KC ay hindi na napigilan ni James ang paunlakan ang kapilyuhan sa isipan niya. He gave her a light peck on KC’s soft lips. Kumibot ang mga labi nito at unti-unting nagmulat ng mata. Buti na lang at nailayo na niya ang mukha niya sa mukha nito.

“Hi Sleeping Beauty.” Bati nito sa pupungas-pungas na si KC. “We are here.”



Napakasarap namang panaginip yun. Sayang at panaginip lang. Sa panaginip kasi ni KC ay hinalikan daw siya ni James sa mga labi. Nabitin nga lang ito kasi nagising na siya. “Ah-hh. Thank you sir. Kanina pa ba tayo dito? Naku Sir dapat ginising niyo agad ako. Gabing-gabi pa naman na at malayu-layo pa ang Loyola dito.” Tuluy-tuloy na sabi ni KC.

“That’s fine KC. I just can’t wake you up because you look like you're enjoying your sleep. I know you're tired too at nakapagpahinga si Mang Kanor bago niya ako sunduin dito so, my driver's fine. Wait, let me get the door for you.” sabi nito na bumaba na sa kotse at tumakbo patungo sa banda niya at pinagbuksan siya ng pintuan.

“Naku Sir—este James pala. Hindi mo na sana ginawa iyon.” sabi niya nang makababa na siya sa kotse. “Uhmm, James gusto mo magkape ka muna sa loob? Pero instant lang meron kami, pagkapehin na rin natin si Mang Kanor.” Paanyaya niya sa dalawang lalaki na nagmagandang loob na ihatid siya sa bahay niya. 

“Hindi na KC. Medyo late na rin kasi at saka may pasok pa tayo bukas. We’ll just see each other sa office. I’ll go ahead. Go back to sleep, Cassandra.”

Lumapit ito sa kanya at nag-beso silang dalawa. Hindi nakaalis kaagad si KC sa kinakatayuan at pinagmasdan niyang bumalik sa loob ng sasakyan ang binata. Kumaway na lang siya at saka tumalikod nang hindi na niya makita ang sasakyan ng binta. Malapad ang ngiting pumasok siya sa loob ng bahay, ni hindi napansing nasa sala pala si Chloe at nakita ang lahat. Nakangiti rin si Chloe sa nasaksihan.

“Oi!” Gulat ni Chloe sa kanya. “Hala. Namatanda ka ba at nagkaganyan ka?” tanong pa nito sa kanya. Gusto kasi nitong marinig mismo ang nasaksihan nito.

Tumingin lang si KC sa pinsan at hinila ito papataas sa kwarto. Sobrang saya niya ngayon at gusto niyang i-share ito sa pinsan. “SIS!!!” tili niya dito saka niyakap ng mahigpit ang pinsan. “Sobrang saya ko ngayong gabi sis!”

“Ouch! Halata nga e.” Sabi nito na medyo nasaktan sa higpit ng yakap niya. “So magkwento ka. Ang daya mo pinsan. Bakit di mo sinabing andoon si crushness ko? Edi sana nakapunta ako doon at napakilala mo din ako.” Sabi nito na kunwari ay nagtatampo.

“Sorry Sis, hindi ko talaga alam na iimbitahan pala ito ni James.” Sabi niya at ngumiti. “Pero wag ka. May ikukuwento ako sayo at may pasalubong din naman ako.” Patuloy niya at inilabas ang digital camera na dala.

Hinatak ni Chloe ang camera at tinignan ang nilalaman nito. Nang mahanap ang gustong makita ay niyakap niya ang pinsan. “Sis, wag mong ipa-print to ha. Akin na itong picture na to. I own it na! Ilalagay ko yang sa picture frame sa office ko!” sabi nito at hinalik halikan pa ang camera.

“Sige sayo na yan basta pakinggan mo muna ang ikukwento ko.” Sabi nito na masaya para sa pinsan nito. “Sinayaw ako ni James! Hindi lang yun, ipinakilala pa ako sa buong miyembro ng JESTER! Kaya nga nakapagpapicture ako e. I know na magagalit ka once na malaman mong andun sila at wala man lang akong pasalubong sayo so kinapalan ko na ang mukha ko at nagpapicture na. Tapos, nag-beso kami ni James and he insisnt na tawagin ko siyang James. Gosh, Sis! I'm so happy! Lalo akong na-iinlove sa kanya e.”

Tumawa naman si Chloe. “Kamakailan lang e galit na galit ka dyan sa boss mo. Tapos ngayon naman inlove ka na. Sis ha, napaparaning ka na ata diyan sa boss mong yan. Dahan dahan lang ha. Baka masubsob ka tapos akalain mong tutulungan ka niyang makatayo pero iniwan ka lang. Masasaktan ka niyan. Ganyan kasi ang mga nababasa ko sa pocketbook sis.” Sabi nito na seryoso.

“Dont worry, I think his not like that. He’s a gentleman at very trustworthy. Sis, hindi mo ba alam na marunong akong kumilatis ng tao. Sige halika na at matulog na tayo. Papasok pa kasi ako bukas e. Magkikita pa kami ni James.” Sabi niya at nahiga na.

“Sa akin muna itong camera mo ha. Ipapa-print ko ung picture saka ko ibabalik sayo.” Sabi rin nito na nahiga narin sa tabi niya. “Good night, sis.”Sabi ni chloe. 


“Good Night” balik na sabi niya bago natulog. Gusto niyang balikan ang napakagandang panaginip niya.


ITUTULOY...

1 comment:

Anonymous said...

You has a great blog. I'm very interesting to stopping here and leaves you a comment. Good work.

Lets keep writing and blogging

Nb: Dont forget to leave your comment back for us.