Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Tuesday, June 19, 2012

J.E.S.T.E.R Series 1: Chapter 2



KC! Anak! Telepono. Nak, mukhang may trabaho ka na.” Nagmamadaling sabi ni Aling Kriselda habang kumakatok ito sa pintuan ng kwarto niya. “May tawag ka anak. Naghihintay pa sayo sa baba. Bilisan mo! Taga-JAC Corp daw. Anak!” Turan pa rin ng kumakatok na si Aling Kriselda.

           Kahit na yamot si KC ay bumangon na siya. Alas-sais pa lang ng umaga ay nag-iingay na kaagad ang nanay niya. “Nay naman e. Ang aga-aga pa nambubulabog na kayo diyan. Tignan nyo po nagising pa tuloy si Chloe.” Sabi niya na kakamot-kamot pa ng ulo habang binalingan niya si Chloe na pupungas-pungas ng mata.

            “E kasi naman may tawag ka nga pero tulog mantika pa kayong magpinsan. Bilisan mo at naghihintay sayo sa baba. Magkakatrabaho ka na yata anak.” Excited na sabi ni Aling Kriselda. Sa pagkakarinig ang napamulagat si KC at ngumiti nang abot hanggang tenga.

            “Talaga?!” Mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo pababa si KC. Muntik muntikan na nga siyang mapasubsob sa sahig dahil sa pagmamadali. Nakita ni KC ang ama na kinakausap ang nasa telepono para hindi mainip.

“O nak. JAC Corporation daw.” Sabi ng tatay niya na nakangiti rin at ibinigay na kay KC ang telepono.

Huminga muna siyang malalim bago niya kinausap ang nasa telepono. “Hello. Sorry for the wait. I am KC Valdez.” Ang kalmado niyang panimula pero nakatingin siya sa mga magulang at kulang na lang ay himatayin siya.

“Hi Ms. Valdez. I'm Mrs. Santos, executive secretary of the President of JAC Corp. My boss said that you're hired and wanted you to report today for an interview buut don't worry about the interview, it's just for formality.” Ang kalmado at masayang pagbabalita sa kanya ng secretary nang Presidente.

“Uhhmmm. Sige po. Maraming maraming salamat po. Anong oras po ang interview?” Masayang sagot ni KC. Hindi matutumbasan ang kaligayahan niya ngayon. Unang pagpasa palang ng resume ay nakuha na kaagad siya. Kung susuwertehen ka nga naman.

“Mga alas-onse ng umaga. I'm sure na makakapag-ayos ka pa niyan at makakapunta dito.” Sabi ulit ni Mrs. Santos.

“Sige po. Darating po ako diyan ng alas-onse ng umaga. Maraming salamat po ulit. Bye.” Sabay baba ng telepono ni KC nang magpaalam na si Mrs. Santos. “Kyaaaaaaaaaaaaa~!!!!” tumatalon habang natili si KC at patakbong pumunta sa mga magulang. “NAY! TAY! May trabaho na ako!” Nag-hihisteriyang sabi ni KC sa mga magulang.

“Congratulations anak! I'm so proud of you!” Masayang bati ni Aling Kriselda na naluluha pa sa saya. Habang ang tatay naman niya ay tahimik lamang pero makikita sa mga mata nito na sobrang saya sa kanyang anak-anakan.

“Naku nay nag-drama ka pa talaga. Kanino pa ba ako magmamana ng katalinuhan? Edi sa inyo rin. Kung hindi dahil sayo, ma, hindi rin naman ako makakatapos ng pag-aaral e.”, sabi ni KC na medyo naluluha na rin.

“Oi Sali naman ako diyan, Sis.”, Masayang bati ni Chloe na yumakap na rin sa kanya. “Edi, Sis punta punta na lang ako sa inyo para makakita rin naman ako ng mga JESTER member. Malay mo dumalaw doon si Ezekiel at baka mainlove pa sa akin.” Humagikhik na sabi ni Chloe.

Doon lang naalala ni KC na si James pala ang may-ari ng JAC Corp. Sa sobrang saya at pagkagulat niya kasi ay nakalimutan na niya ang mga importanteng bagay. “Patay kang bata ka.” Mahinang sabi niya sa sarili. “Mukhang papahirapan ako ng bago kong boss.” Bulong-bulong na sabi rin niya. Ayaw niya kasi na nag-aalala ang mga magulang niya.

“O bat parang nakainom ka ata nang isang boteng suka at ganyan kaputla ang mukha mo?” Takang tanong ni Aling Kriselda sa kanyang anak.

“Ah.-eh. Wala po nay. Naalala ko po na may oras yung interview kaya kailangan ko nang magmadali. I'm sure sobrang traffic ngayon.” At dali-daling umakyat ulit si KC sa kwarto. Hindi niya alam na sinundan pala siya ni Chloe.

“O anong inaarte mo diyan?” Sabi ni Chloe nang makita siya nito na nakaupo sa kama at tulala. “Anong problema mo? Diba sabi mo na sayo na yung trabaho? E bat parang kabado ka na balisa na ewan diyan?”

“Chloe....” Nanghihinang tawag niya sa pinsan. “Diba yung naikwento ko sayo kagabi? Si James, siya yung nag-hire sa akin. I'm sure na pahihirapan niya ako. Lagot ako.” malungkot na humarap siya kay Chloe.

“Ano ka ba naman? Para kang hindi si KC na kilala ko ah. Si KC palaban, walang inuurungan at lalong hindi takot na ipaglaban ang tama. So Sis, dont worry Okay? I'm so sure na kayang kaya mo yan si Mr. Jester James na yan. Ipakita mo na hindi lahat nadadaan sa pagwapuhan.” At tinapik pa ni Chloe ang balikat niya to assure her na kakayanin niya.

“Tama ka! Pag ako pahihirapan ni Mr. James na yun, ipapakita ko sa kanya na hindi niya ako kayang paalisin o paiyakin. Ako yata si Maria Kristina Cassandra Valdez. Lahat na napagdaanan ko, at lahat yun ay napagtagumpayan ko. Kaya ko to!” sabi ni KC at niyakap ang pinsan. “Salamat Sis.! Sige liligo na ako. Gusto ko na maagang makarating sa JAC para malaman niya na di siya nagkamali sa pag-hire sa ganda ko.” At tumawa pa bago kunin ang tuwalya at tumakbo palabas ng kwarto.



Nakailang isang linggo nang nagtratrabaho si KC ay hindi pa rin niya nakikita si Mr. James. Sabi kasi ni Mrs. Santos na pag-gamay na niya ang trabaho nito ay saka lang daw niya makikita si Mr. Cristobal. Ayaw daw kasi ni Mr. Cristobal nang untrained na secretary. Napataas pa nga ang kilay ni KC nang marinig niya iyon, na ikinangiti ni Mrs. Santos. Nakapagdesisyon na kasi si Mrs. Santos na mag-resign na ng tuluyan dahil na rin sa utos ng asawa at mas gusto rin ni Mrs. Santos na maging full time housewife and mother.

            “Actually KC, napakabilis mong matuto. Well, your witty and very beautiful. I'm sure na magugustuhan ni Mr. Cristobal ang trabaho mo. Don’t worry after nitong training mo ikaw na ang papalit sa akin. Matagal na kasi akong pinapatigil ng asawa ko sa trabaho e. Nagtratrabaho din kasi siya at kaya na niya kaming buhayin kahit hindi na ako magtrabaho.”

            Ang akala ni KC kay Mrs. Santos nung una ay strikta at mataray pero nagkamali siya. Sobrang bait at kwela si Mrs. Santos. “Salamat talaga sa suporta Mrs. Santos. Kundi dahil sayo e hindi ko mauunawaan ang mga gusto at mga ayaw ni Sir. Hayaan mo at hindi ko ipapahiya ang mentor ko. Ipapakita ko yan sa suplado nating Sir na kayang kaya ko ang trabahong ito.”

            Yun ang usapan nilang dalawa 1week ago at ngayon na nga ang last day ni Mrs. Santos. May malaking salu-salo sa isang hotel na pina-reserve ng mismong amo nila na si Mr. Cristobal. Sa salu-salong ito rin ang magiging pangalawang pagkikita nila ni James at kinakabahan lang siya lalo. Iiyak-iyak si Mrs. Santos kasi hindi nito akalain na may surpresa para sa dito. Personal kasing inasikaso ni James ang lahat.

Napakabuti palang boss ni James. Lihim na humahangang sabi ni KC sa bago niyang boss. Bukas na ang judgement day niya kasi eto na talaga ang tunay na laban niya. Dapat niyang mapasaya ang kanyang Boss sa performance niya.

“KC!” Ang nakapagpabalik sa katinuan niya. Si Mrs. Santos ang tumatawag sa kanya.

“Baket po?” takang tanong ni KC. Bigla siyang niyakap ng kausap. Emotional parin si Mrs. Santos. 


“Sobrang saya ko talaga ngayong gabi. Sana KC ay wag mong pabayaan yang si Boss ha. Napakabait na tao niyan. Kung meron kang kailangan tawagan mo lang ako sa cellphone ko. I’m always here to help.”

“Salamat talaga ng marami Mrs. Santos, este, Ate Nikki pala.” Natatawang sabi ni KC pero maluha-luha narin siya. Tunuring na kasi niyang tunay na ate si Nikki. Ito kasi ang laging kasama at katulong ni KC sa lahat.

“Naku day, wag ka nang umiyak at baka sabihin pa nila na bully akong tao.” Hagikhik na sabi ni Nikki. “Pero wag ka, hindi mo ba napapansin si Sir na laging nakatingin sayo?”

“Asus, akala mo lang nakatingin sa akin yang si boss. Sayo kaya nakatingin yun. Minsan ka na lang daw kasi niya makikita. I'm sure na mamimiss ka non.” Palusot na sabi ni KC. Actually, lagi niya ngang nahuhuling nakatingin sa kanya pero tuwing mahuhuli niya ito ay puros malalamig ang tingin nito na nakakapagpanginig ng mga buto niya. May nagawa ba siyang masama at lagi siyang tinitignan ng matalim nito?

“Ahh. Basta. Alam ko ikaw ang tinitignan ni Sir.” Sabi nito na ngingiti ngiti at kinikiliti pa ang tagiliran niya. “May sasabihin ako sayo, wala dapat makakaalam nito ha. Pero si Sir kamo ang pumili sayo. Siya yung nagsabing isara na yung paghahanap ng secretary at hired ka na. Ikaw lang kaya yung kauna-unahang taong hindi dumaan sa harsh interview. Day, mukhang interesado sayo si Sir.” Kulang na lang ay tumili si Nikki sa harap ng maraming tao. Para itong teenager na nakapanood ng sweet scene sa teleserye.

“Ai naku ate tama na yan. Halika at sumayaw na lang tayo.” Mabilis na nahila ni KC si Nikki at sumayaw sila kasama ang iba pang empleyado ng JAC Food Corp.



Hindi maalis ni James ang mata niya sa babaeng nagsuplada at na-hire niya. Few weeks din niyang hindi nakita si KC kasi ay gusto niya na matuto si KC sa lahat ng wants and needs na dapat nitong malaman. Well, kahit kasi simple lang ang Semi-Formal na attire ni KC ay lumalabas parin ang kagandahan nito. Alam niya, na nung unang araw ni KC ay marami nang mga Staff ng JAC ang nahumaling dito. Hindi naman niya masisisi ang mga kalalakihan na nakikita ang dalaga. Maganda ito na lalo pang gumaganda pag ito ay ngumingiti.

            “Hoy Pare! Baka naman matunaw na yang tinititigan mong babae ha.”, tatawa tawang sita ni Ezekiel Aquino kay James.

“I'm actually amazed at what you told us about that woman, bro.” Natatawa ring sabi ni Sean McConnel. Isa rin sa miyembro ng JESTER’s.

“Mukhang wala naman yatang appeal ang ating Ice Prince e. Mukhang hindi nahulog sa karisma mo tol!” kantiyaw din ni Theodore De Guzman.

“Ako? Walang appeal? Sa babae? Nagbibiro ka yata.” Natatawang pagmamayabang ni James. “Wala pang babaeng pinapanganak ang hindi iibig sa akin.” At tinungga niya ang alak na kanina niya pa iniinom.

“Looks like someones very confident about winning that girl. James, If you don't like her then give her to me. Ill make sure she will live with full bliss.” Hindi parin matapos ang kantiyaw ng mga ka-miyembro ng JESTER kay James dahil nakisali na rin si Elliot Rivera.

“Lets give James some time. I'm sure he can manage to make that girl fall for him.” Seryoso namang sabi ni Randolph Archuetta. “Lets make a bet! Ill make you a very unique diamond ring worth millions pare if you make that girl fall in love with you.”

“Magandang plano yan pare.” Sabay halos lahat ang mga miyembro at nagplano na sila ng mga bet nila pero hindi naman sa kanila nakikinig si James.

“I’ll make that girl fall inlove with me. By hook or by crook.” Sabi niya ni hindi pinakikinggan ang mga kaibigan at inilapag niya ang kanyang baso at dumiretso sa DJ. Bumulong siya sa DJ at tumungo ito. Hindi mapigilan na mapangisi ng mga ka-brod niya sa ginawa niyang hakbang. Kapag nasaling kasi ang pride ng lalaki ay hindi ito umaatras sa kahit na anong laban.



Walang kaalam-alam si KC sa mga nangyayari sa paligid niya, or rather, ayaw na niyang malaman. Kasi pag nag-usisa na naman siya sa mga bagay-bagay ay iisa lang ang gusto niyang malaman. Ito ay ang mga pinagkakaabalahan ng boss niya. Masyado kasi siyang nosy pagdating sa Boss niya. Hindi naman niya mapigilan dahil ultimate crush niya talaga ito.

Biglang nagpalit ang tugtog ng musika. Naging romantic ang music na ito at ang ibang mga mag-dyowa ay nagsasayawan na sa dancefloor. Aalis na sana sila ni Ate Nikki nang biglang may tumawag sa kanya.

“Cassandra...” Sweet at malamyos ang pagkakabigkas nito sa pangalan niya. Parang musika ito sa pandinig niya at hindi niya mapigilang kabahan. Lumingon siya at nakita niya ang boss niyang si James. "Your name, it suits you. Lovely and...elegant. I'll call you that from now on. Mas gusto ko rin namang first name basis ang tinatawag ko sa secretarya ko. Right, Nikki?"


"Yes, Sir James.", nakikiayon na turan naman ni Ate Nikki sa Boss nila. "Aalis na nga pala muna ako at pupunta lang sa powder room", paalam nito sa kanila at ngayon ay naiwan na silang dalawa.

Napako na lang sa kinatatayuan niya si KC. Hindi niya alam kung imahinasyon lang ba niya ang nakikita niya pero nakangiti ang boss niya sa kanya. Mangimi-ngiming batukan niya ang sarili dahil medyo natulala siya dito. Malakas talaga ang dating nito sa kanya.“T-thank you po, Sir James at O-okay lang kahit anong itawag niyo sa akin. ”

“Good. Now, start calling me James. It is only fair that you call me by my name too, right?” Walang kaputol-putol na english ng Boss niya. “Well, since we are in the middle of the dance floor and we are the only one who doesn't have any partner, then should we at least start dancing? The music suits us after all.” hindi parin matanggal ang nakakalusaw na ngiti ng boss niya. Gusto yata talaga siyang tunawin nito.


Inilahad nito ang kamay at dahil sa alam niyang nakakahiya namang tumanggi sa boss niya na isayaw siya ay pinaunlakan na niya ito. She moved her hands towards James' hands and they start dancing on the sweet music of 'Queen and King of Hearts'.



ITUTULOY...

1 comment:

Anonymous said...

You has a great blog. I'm very interesting to stopping here and leaves you a comment. Good work.

Lets keep writing and blogging

Nb: Dont forget to leave your comment back for us.